Kamusta mga giliw na mambarasa ng Daloy Kayumanggi?
Ngayon ay ikalawang taon na ng Daloy Kayumanggi. Salamat sa inyong palaging
pagbasa at pagsuporta sa Daloy Kayumanggi! Nagbabalik ang iyong lingkod upang bigyang pansin ang palagi kong naririnig na mga hinaing at katanungan ng ating mga kababayan dito sa Japan. Simula ngayon, magbabalik ang Daluyan sa bagong titulo na “Dear Kuya Erwin”. Sa araw-araw na pakikihalubilo ko sa mga kababayan natin sa Japan, sa telepono, sa mga events, o kaya sa mga train station, tindahan at iba pa, may mga paksa na palaging nababangit. Dito sa pinabago at nagbabalik na kolumn, magbibigay ako ng sariling pananaw sa mga paksang ito, at magbibigay ng mga tips, giya, kasagutan at iba. Kayong mga mambarasa ay maari ding magpadala ng inyong mga katanungan na nais ng kasagutan, o kaya obserbasyon o kaya sariling opinyon sa mga bagay bagay na nakikita ninyo dito sa Japan. Maari ding magpadala ng iyong mga kumento sa kolumn na ito. Marami-rami sa mga nakakausap ko sa telepono ay
baguhan sa pag-gamit ng smartphone. May mangilan-ngilan na hindi ginagamit ang
ibang kakayahan ng kani-kanilang mga smartphone maliban sa pag-tawag. May iba
pa nga na hindi pa alam kung papaano mag-text o kaya hindi alam na pwede mag
text sa ibang network – oo pwede na mag SMS sa ibang network kahit phone number
lang ang alam mo. At para sa unang labas ng kolumn na ito, narito ang mga survival apps para sa mga Global Filipino sa Japan. Top 4 Apps Para sa Mga Global Filipino sa Japan by: Erwin Brunio 1. Schedule ng
Train: Norikai Annai (by Jorudan Co.,
Ltd)
Kung kaya’t swak na swak itong apps na Norikai Annai para malaman ang schedule ng train. Isulat lang ang pangalan ng station na sasakyan at pupuntahan at pwesto may mga suhestyon kung anong ruta ang maaring tahakin. Maaring pumili ng ruta na pinakamura, pinakamabilis, o kaya pinaka madali at simpleng sundin. Maari din piliin kung ang oras na gustong i-schedule ay oras ng pag-alis, o kaya oras na nais makarating sa destinasyon. Ang Norikai Annai ay napaka-inam gamitin sa pag schedule kung kelan sasakay at anong ruta ang tatahakin bago ang naitakdang oras ng pagdating. Ang isang isyu lang sa apps na ito ay kailangang may idea ng katakana o kanji para ma-enter ang tamang train station. Subalit maari namang pumunta sa iyong internet browser at itype ang www.jorudan.co/jp/english/norikae para sa web version na naka English. 2. Lagay ng Panahon: Weather apps
Maraming weather apps na pwedeng pagpilian mula sa The Weather Channel, Weather Bug, Yahoo! Weather at iba pa. Kung iphone user ka, yung weather apps na kasama na sa iphone ay sapat na.
Sa iphone weather apps maari ding malaman ang
weather sa ibang lugar, maliban sa iyong lokasyon. Halimbawa ay nais mong
malaman ang lagay ng panahon ng lugar na iyong pupuntahan. Pindutin ang info na
icon (i) sa may pinakadulo sa kanang bahagi at pindutin ang plus sign icon (+)
sa itaas sa kaliwang bahagi. I-type ang nais idagdag na lugar at pindotin ang
“done” na button. Kung nais i-check ang weather sa bawat lugar, i-scroll lang
ang iyong iphone pa-kaliwa o pa-kanan.
3. Komunikasyon sa
Pamilya at Kaibigan: Viber
4. Komunikasyon sa Hapon: Google Translate
I-type ang gusto mong sabihin at pwesto i-tra-translate na ito sa wikang gusto mo. Hindi mabasa ang translation? Simple, ipakita lang ito sa kausap na tao at kahit maaring ang translation ay hindi perpekto, maiintindihan ng kausap mo ang nais mong sabihin. At para makapag reply sa iyo ang iyong kausap, ipa-type lang ang kanyang nais sabihin mula sa Japanese papuntang English at maiintindihan mo ang sagot. Ganito ang nangyari sa misis ko ng sinundan siya ng isang tao mula school hanggang sa tindahan. Nuong ini-report niya ito sa police, na-interview siya at nakuha ang detalye ng nangyari gamit ang Google Translate (at nalaman na may problema sa pag-iisip pala ang tao na sunod ng sunod sa kanya). ################# Ikaw, ano o ano-anong mga apps ang iyong ginagamit upang mas maging maginhawa ang iyong pamumuhay dito sa Japan? Ibahagi ang iyong kaalaman sa lahat ng mambarasa ng Daloy Kayumanggi sa pamamagitan sa pagpadala ng iyong mga idea o suhestyon sa erwin@daloykayumanggi.com. Maari ding itong i-text sa 090-6025-6962. |
Blog >