Blog‎ > ‎

Ang Langgam at Paruparo

posted Nov 2, 2013, 11:01 PM by Erwin Brunio   [ updated Jun 21, 2014, 3:31 AM by Daloy Kayumanggi ]

Ang Langgam at Paruparo


by: Erwin Brunio

May isang langgam na patalon-talon sa init ng araw habang naghahanap ng pagkain. Nakakita ito ng bahay-uod (chrysalis). Ang buntot ng uod (pupa) ay biglang gumalaw, na ikinagulat ng langgam dahil ito pala ay buhay. “Ah isang kalunos-lunos na nilalang” ang kanyang nasambit. “Napakasama naman ng iyong kapalaran”, wika nito.   “Kung nanaisin ko, maari akong tumakbo paroo’t parito sa pinakataas na puno, subalit sa anyo mo na iyan, ikaw ay bilango ng iyong sariling bahayan.” Narinig itong lahat ng uod subalit hindi ito kumibo at nanahimik lamang. Pagkalipas ng ilang mga araw, ng dumaan ang langgam sa parehong lugar na iyon, wala ng buhay ang bahay-uod. Habang iniisip ng langgam kung ano ang nangyari sa uod, may biglang pumayong sa kanya na isang napakagandang paruparo. Ang kanyang mga pakpak ay parang mga brilyate na kumikislap sa sinag ng araw.   “Heto, tingnan mo”, ang sabi ng paruparu, “ang iyong sinasabing kalunos-lunos na nilalang. Ipagmalaki mo ngayon ang iyong kakayahan na tumakbo at umakyat sa punong iyon, at tingnan mo kung akoy makikinig sa iyo”. Pagkasabi, biglang lumipad at nagpatangay sa sayaw ng hangin ang paruparo at naglaho sa paningin ng langgam.

Nakaranas ka na ba ng isang problema na sa tingin mo ay mukhang napakahirap harapin? O kaya kasalukuyang may hinaharap na hamon ng buhay na sa tingin mo ay walang paraan na ito ay malusutan o maayos? Ano ang ginawa mo?

Naalala mo ba yung unang heart break mo? Ibinuhos mo ang lahat ng iyong makayanan ipaglaban lamang ang iyong first love? Tanda mo pa ba na nakapag-away ka pa sa iyong mga kaibigan, o kaya sa iyong mga magulang, mahalin lang ang hampas-lupa na iyo. At anong nangyari, bigla ka na lang niyang iniwan ng walang karason-rason?

Sa eksaktong panahong iyon, di ba na parang gumuho ang iyong mundo, na ikaw laban sa mundo? Hindi pa na pakiramdam mo ay parang sasabog ka at wala ng pwedeng solusyon sa problema mo.

Ngunit ngayon, anong nangyari? Bakit hindi gumuho ang mundo? Bakit buhay ka pa rin? Hindi ba nakangiti ka ngayon habang iniisip mo yung mga eksenang iyon? Natatawa ka na isipin ang mga nakakaloka mong adventures in life.

Kung ngayon ay pasan mo ang buong daigdig, o may kakilala ka na parang pinagkaitan ng tadhana, huwag mawalan ng pag-asa. Tandaan, na minsan, ang tamang paraan ay maghintay. Parang paro-paro.

May katanungan ka ba na nais naming mabigyan ng kasagutan sa Daloy Kayumanggi? Sumulat lamang sa aming email address na erwin@daloykayumanggi.com o kaya mag-message sa aming facebook page sa www.facebook.com/daloykayumanggi. Makikita din kami sa Google+, Linkedin o Twitter (daloyJapan). Makabuluhang pagbabasa!

 Acknowledgement: Ang kwento ng langgam at paruparu ay hango sa mga pabula ni Aesop (www.aesopfables.com).
Comments