Blog‎ > ‎

Ano ang dapat gawin para iwas Pulikat?

posted Sep 1, 2013, 3:20 AM by Mario Rico Florendo   [ updated Sep 1, 2013, 3:21 AM ]
Isa pa sa mga karaniwang nae-encounter ng mga atleta ay ang pamumulikat. Dulot daw ito ng hindi makontrol na contraction ng kalamnan. 

Ang pamumulikat ay maaaring makasagabal sa iyong paglalaro. Ngunit, kaya itong maiwasan.
Basahin ang mga sumusunod na tips:
1. Baka namumulikat ka dahil ikaw ay dehydrated o kulang sa tubig sa katawan. Kaya, mabisang advice: “Uminom bago, habang, at pagkatapos ng iyong laro.”

2. Nakatutulong din ang stretching bago ang laro.

3. Alamin ang iyong limitasyon. ‘Wag kayanin ang hindi naman kaya ng iyong katawan, sapagkat magdudulot lamang ito ng stress sa mga ito.

4. Ang pagiging overweight din ang nakadaragdag sa posibilidad ng pamumulikat, sapagkat naaapektuhan ang sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan.

5. Kumonsulta sa iyong doktor, lalo na kung palagi nang nangyayari ang pamumulikat ng mga kalamnan. Baka kasi may iba pang rason kaya ito nangyayari.

(mula sa Pahina 9 ng Daloy Kayumanggi, September 2013 issue)
Comments