Blog‎ > ‎

Feng Shui ng iyong Kilay

posted Apr 20, 2014, 2:50 AM by Daloy Kayumanggi   [ updated Jun 21, 2014, 3:44 AM ]



Feng Shui ng iyong Kilay

ni: Emosians

Sa Feng Shui pinaniniwalaan na makikita sa mukha ng tao kung ano ang kanyang magiging kapalaran lalo na sa kanyang mga kilay. Pinatunayan din ito ng siyensya na kung tawagin ay “Physiognomy,” o siyensya pag-aaral sa mukha, hugis at gayundin ang karakteristik ng tao. Ang mga kilay raw ay salamin ng iyong mentalidad at pananaw sa buhay. Ang kaliwang kilay ay ang iyong totoong pagkatao at ang kanang kilay naman ay kung ano ang repleksyon mo bilang tao. 

Kinakailangan na maging balanse at naayon sa hugis ng mukha ang iyong mga kilay. Ayun sa ulat ni Monica Lempert ng abc15, inaayon ng isang propesyonal na beautician na si Danielli Marcelino ang Feng Shui sa removal wax na isinasagawa nito sa kanyang mga kostumer. Pinatunayan naman ito ng isang kliyente na si Kim Parten kung paano nagkaroon ng positibong pagbabago sa kanyang buhay simula ng maayos nang tama ang kanyang kilay.


Kaya bago mo gawin ang mga orasyon o bumili ng mga pampaswerte dapat unahin mo munang suriin ang hugis at anyo ng iyong kilay at saka ito ayusan para umayon sa swerte.


 

1. Mga kilay na mas mahaba pa sa mata

 

Ang kilay ay laging mas mahaba sa mga mata dahil nagbibigay ito ng balanse sa innerself at indikasyon sa taong merong malinaw na pagdedesisyon sa buhay. Ang pagkakaroon nito ay nagbibigay sayo ng talent sa pagpapahayag lalo na pag ang mga kilay ay natural na maganda, at makintab. Nagbibigay din ito ng atraksyon sa opposite sex at gayundin ng popularidad at halimbawa sa may ganitong uri ng kilay ay sina Oprah Winfrey at Marian Rivera.

 

 

2. Bundok na kilay


Ang uri ng kilay na korteng bundok ay nagbibigay ng katapangan at kagitingan. Kapag may malapad na kilay at maayos ang porma, senyales ito ng klase ng tao na kaya ang anumang hamon ng buhay lalo na kapag ang taong may kilay na ito ay natural na maputi. Habang tumatanda, mas nagiging mapang-akit sa swerte lalo na sa lovelife at career ang mga taong may ganitong kilay. Halimbawa sa mga ganitong uri ng kilay ay si Richard Gere na kilala sa pelikulang “Pretty Woman” at Anderson Cooper, ang main anchor ng CNN na binatikos ni Korina Sanchez.



3.Kinortehang kilay


 Ang klase ng kilay na hindi tumutubo ang mga buhok at pinapalitan na lamang ng eyebrow liner o tattoo ito ay artificial na kilay at patok sa mga taong gusto maging presentable araw-araw. Ang sobrang kapal at mababang pagkakaporma ay sumisimbolo sa taong may tinatagong sikreto o di kaya tinatakbuhang nakaraan habang ang ilan nama’y nakasanayan na ang pagsisinungaling.

 

Pag maganda naman ang porma at katamtaman lamang, ito naman ay naghihikayat ng trabaho, pera at magandang career. Halimbawa rito ay sina Christina Aguilera, Pamela Anderson, at Jackie Stallone ang ina ni Sylvester Stallone.


 

4. Kilay na mas maiksi kaysa sa mga mata


Ang ganitong uri ng mga kilay ay pinaniniwalaan na may maiksing pasensya. Sila ang mga taong may tendensiyang sumabog sa galit at halimbawa sa ganitong kilay ay si Marc Anthony na ex-husband ni Dayanara Torres at Jennifer Lopez. Kadalasan sa mga ganitong klaseng tao ay mayroong malaki at malakas na boses.

Kapag ito naman ay maiksi at kalat hindi ito swerte sapagka’t sa sobrang emosyon nawawalan sila ng oportunidad sa buhay. Pag maiksi, at nagtatapos sa mismong huling bahagi ng mata at mayrong malagong kilay at may maayos na linya ay sumisimbolo naman sa mga taong madaling mapikon pero sila rin ay matatapang at may dignidad halimbawa na lamang ay si Senator Miriam Santiago.

 

5. Kilay ng Demonyo


Ang kilay na ito ay nahahawig sa anyo at kilay ni Satanas pero di nangangahulugang ang taong mayroong ganito kilay ay may masamang ugali. Pag ang klase ng kilay ay diretso at malago ito ay nangangahulugan ng magandang career at magandang pasok ng pera katulad na lamang ni Larry Hagman na sikat na aktor noong 70’s at si Donald Trump na isang mayamang negosyante sa Amerika at tanyag sa kanyang programang “The Apprentice.”

 

Pero pag ang kilay ng demonyo ay sa umpisa lamang pataas at ang kalahati nito ay magulo katulad ng boksingero na si Mike Tyson at Rolando Navarrete, sikat na boksingerong Pilipino, ay nangangahulugan na may maiksing pasensya at nakatakdang maging matagumpay ngunit nakatakda din maging malungkot o maging sawingpalad sa kanyang buhay. Upang maiwasan ang sawingpalad na kapalaran na ito ay kinakailangan isang beses i-shave ang kalahating bahagi upang kumapal. Mabisa rin kiskisan ng sibuyas at agad na sabunin at hugasan ang mukha. Kapag muling tumubo ang kilay siguraduhin na iisang direksyon lamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng eyebrow comb at brush.

 

6.  Sexy na kilay


Ang may katamtaman na kilay at mayroong manipis na huling bahagi ay nagpahiwatig sa isang tao na may malalaking idea, plano at ambisyon sa buhay. Magaling din silang makisama. Pero pag ang kilay na ito ay sumobra ang kanipisan ay indikasyon ito ng taong may katigasan ang ulo at taklesang pag-uugali halimbawa na rito ay sina Vice Ganda at Kris Aquino. Ang magandang solusyon dito ay gamitan ng eyebrow pencil at ayusin ang kilay lalo na sa bahagi ng buntot.




7. Kilay General

 

Ang taong may ganitong uri ng kilay ay nangunguhulugan na siya ay may disiplina, masipag at madiskarte habang ang ilan nama’y magaling sa pamamalakad ng mga tauhan, sa sambayanan at sinasakupan. Mas mabisa ito kapag ang buhok ay iisa lang ang direksyon na may maitim at maikintab na kulay. Ang tawag dito ng mga Chinese ay “Kilay na hawig sa Bituin sa Timog” na kung saan ang may ganitong klase ng kilay ay bibiyayaan ng magandang kapalaran. Kadalasan din makikita ang ganitong uri ng kilay sa mga Hapon katulad na lamang ng dating prime minister ng Japan na si Junichiro Koizumi na pinakamahabang termino sa pamamalakad sa kasaysayan ng Japan. At iba pang halimbawa rito ay sina Edward Norton na isang multi-talented na American na aktor at ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquaio.



8.  Diretchong kilay o walang arko na mas kilala sa Chinese Character na “(One)”


Kung ang kilay mo ay magagawa mong ayusin na tulad sa chinese character na “” at may natural na karakteristik na makapal at maitim, indikasyon ito ng namamanang swerte.

 

Kapag ang diretsong kilay ay napaparesan ng magagandang mga mata, ibig sabihin nito ay biniyayaan ka ng mabuting pamilya na nagbibigay sayo ng suporta at pagmahahal. Kapag ang kilay naman na ito ay sa bersyon ng panlalaki at napaparisan ng Caucasian na mga mata, yung nahahawig sa mga mata ng mga mestisong banyaga tulad na lamang ng mga Amerikano, ay indikasyon ito ng swerte sa negosyon o di kaya magandang reputasyon. Halimbawa ng ganitong uri ng mga kilay ay sina Justin Timberlake, Enrique Gil at Marvin Agustin.

 

Ang malagong ganitong uri ng kilay nama’y indikasyon lalo na sa kababaihan ng mabuting maybahay at panghabangbuhay magmahal tulad ng artistang si Manilyn Reynes.

Meron naman bersyon na kaunting baku-bakong kilay naman ay ang taong hirap naman timbangin ang katotohanan dahil naaapektuhan sila ng kanilang emosyon. Ang mga may ganitong kilay ay dapat mag-ingat dahil sila ang taong madaling magtiwala kaya kadalasan sa kanila naloloko. Kinakailangan lamang ayusin ang magulong bahagi ng kilay at suklayin ng “eyebrow brush with comb”.


9.  Rektanggulong (rectangle) kilay


  Ito ang klase ng kilay na malaki pero hindi kakapalan at walang pangtapos na buntot kaya nahahawig ito sa hugis ng parisukat. Kapag ang kilay ay natural na manipis at ni minsan ay di nababawasan o nagagalaw nangangahulugan ito na ang taong meron nito ay itinakdang maging magaling na magaling na businessman o mentor.


Madalas makitaan ang ganitong uri sa kilay ng mga magagaling na sinaunang Aseanong mangangalakal. Ang ganitong uri ng kilay ay lohikal magresolba ng problema kaya halos sa kanila ay matagumpay sa kanilang larangan tulad na lamang nina John Gokongwei Jr. isa sa mga pinakamayaman negosyanteng Filipino-Chinese, Eike Batista isa sa mga bilyonaryong negosyante sa bansang Brazil at si Ferdinand Chinkee Tan o mas kilala nating komedyanteng si Chinkee Tan na noon ay sidekick lamang ngayon ay matagumpay na negosyante at motivational speaker.


10. Korteng “8”


Kapag ang kilay ay may ilusyon na maliit tingnan na kung saan ang harapan ay pababa sa ilong at ang buntot nama’y nakatapat sa dulo ng mga mata ito ay hugis sa numero “8” na nakahiga

Bihira lamang ang ganitong uri ng klaseng kilay na pinaniniwalaan ng ilan na ang nagmamay-ari nito ay nagmumula sa mahirap at naging mayaman. Pero kadalasan ang ganitong uri ng kilay ay nakatakdang din maging maging matandang dalaga o binata o di kaya mahiwalay sa minamahal sa buhay. Kinakailangan lamang ayunsin kung ninanais mong magandang buhay may asawa.

Kapag ang ganitong kilay nama’y sobrang nipis ito ay nahahawig naman sa “infinity sign” na nangangahulugan na taong may magandang interpersonal na relasyon sa sarili.

Halimbawa rito ay sina Ai Ai Delas Alas at Boy Abunda.

11. Katamtamang Arko


Ito ang klase ng kilay na madalas na makikita sa mga kababaihan at ang representasyon nito ay isang klase ng tao na mapagkakatiwalaan dahil sa malambot na imahe ng kanyang mata.  Bagama’t hindi lahat ng may ganitong uri ng kilay ay totoong mabait o inosente kaya kinakailangan ding suriin ang ibang parte ng mukha.

 Kapag ang kilay na ito ay laging nasa ayos parati ay indikasyon ng taong may displina o responsable sa pamilya. Kapag ang kilay naman na ito ay katamtaman lang ay parating naglalagay ng eyebrow pencil ay indikasyon ng taong organisado. Kapag sobrang nipis naman ay taong maluho at waldas.

Isa ito sa mga kilay na mahirap matukoy ang totoong katauhan dahil tinagurian din itong bahagi ng “poker face” o mukhang di kayang mahulaan o mabasa na pagkatao ayon sa “Physiognomy.” Kaya nitong ikubli ang totoong pagkatao o damdamin ng isang indibidwal. Tips para sa ganitong kilay ay palagiang lagyan ng eyebrow pencil upang makaakit ng swerte.

12. Makapal na kilay


Ang makapal na kilay naman ay indikasyon ng taong madiskarte. Sila ang klase ng tao na di nauubusan ng ideya. Sila rin ang klase ng taong may matatayog na pangarap.

Kapag ang ganitong klase ng kilay ay pakulot ang istilo, indikasyon ito na siya ay nakatakdang maging lider sa isang malaking komunidad, negosyo, organisasyon o di kaya magkaroon ng malaking kontribusyon sa kanyang bansa tulad na lamang ni Prince Charles ng Inglatera.

Pero kapag ang kombinasyon naman nito ay sobrang makalat na kilay, indikasyon ito ng taong nahihirapan magfocus dahil sa dami ng ideya o plano na naiisip. Ang tip dito ay lagyan ng matuwid na linya upang maging malinaw ang pag-iisip o pagdedesisyon. 

Kapag ang makapal na kilay naman ay flat, indikasyon ito ng tahimik pero madalas makiramdam. Maganda rin ang kanilang sense of humor tulad ni Vic Sotto na beteranong host ng Eat Buluga.

13.  Pataas na arko


Ang ganitong uri ng kilay ay napaka-competitive na indibidwal. Sila rin ang mga tao na laging pinapabuti ang sarili sa pamamagitan ng edukasyon o karanasan sa buhay.

Kapag ang kilay na ito nama’y nakababa ng buntot, simbolo ito ng taong lubos na alam ang sarili at kakayahan kaya nagiging matagumpay sa anumang larangan. Kapag ang klase ng kilay naman na ito ay diretsong paitaas, sinisimbolo nito ang taong maabilidad.

Ingatan lamang na wag masyadong manipis ang kilay na ganito kasi nagiging masungit o madaling magalit. Ingatan din ang makalat sa ganitong uri ng kilay dahil indikasyon ito ng taong nahihirapan kung saan magsisimula. Ang tip ay kailangan lagi itong ayusin.

14. Mababang kilay


Ang ganitong uri ng kilay ay paibaba at ang ilan ay malapit sa mata.

Napaka-expressive at madaling umaksyon ang ganitong uri ng tao. Gusto nila ang agarang solusyon at mabilis na trabaho. Ang ilan naman sa kanila ay maagang gumising o di kaya maagang dumating sa usapan. Ayaw na ayaw ng ganitong indibidwal ng taong unprofessional.

Kapag ang kilay na ito ay manipis, indikasyon ito ng taong ugaling mambara sa kausap o di kaya nahihirapan tumanggap ng puna. Tips para dito ay hayaang tumubo ang buhok sa kilay. Halimbawa ng ganitong uri ng kilay ay sina Maricel Soriano at Annabelle Rama.

Kapag makapal naman ito at may korteng triangular ay indikasyon ng taong professional sa trabaho pero pagdating sa pakikipagrelasyon ay hirap magbigay ng pag-aaruga o expression ng pagmahahal tulad ng kilay ni Piolo Pascual.

15. Ghost eyebrow


Nahahalintulad ang ganitong uri ng kilay sa Chameleon, isang uri ng hayop na kung saan ay halos hindi pansin ang kilay. Nangangahulugang ang taong mayroon nito at kayang makisama sa anumang uri ng grupo ng tao o bansa.  Magaling din ito magsalita at may convincing power din ito.  Halimbawa sa kanila ay ang namayapang president ng South Africa na si Nelson Mandela, na naging magaling na lider kung saan siya ang naging susi ng demokratisasyon at pagkakaisa sa kanyang bansa. 

Kapag ang ganitong uri naman ng kilay ay sinadyang kalbuhin, ito ay indikasyon ng taong gusto ng pagbabago sa buhay. Kapag ang kilay naman na ito ay unti-unting nakalbo nangangahulugang ang tao ay may malubhang sakit at kinakailangan ng magpatingin.  Tips para dito ay lagyan ng pekeng kilay gamit ang eyebrow pencil pakapalin ito. Magsuot ng Wu Lou necklace na gawa sa anumang uri ng power stone.

16. Blankong bahagi ng kilay


Kapag ang kilay na ito ay di sinasadyang magkaroon ng blankong bahagi, ito ay indikasyon ng taong hindi gaanong nag-aalala at madaling magdesisyon halimbawa dito ay si Jason Mamoa isang sikat na sci-fi American actor.

Kapag ang kilay naman na ito ay MINSA at sinadyang lagyan ng blankong bahagi ay indikasyon ng rebelyon tulad na lamang nina Justin Bieber, Chris Brown at Dennis Rodman.

Sa America pinaniniwalaan din itong kabilang sa mga gangster ang pagkakaroon ng “slit” sa kilay depende sa design na ito.

17. Di pantay na mga kilay


Sobrang halatang hindi pagkakapantay na kilay lalo na kapag nagsasalita, ito ay indikasyon ng taong nagtitimpi at nahihirapan ibahagi ang sarili sa iba. Kinakailangan ng ganitong indibidwal pag-ingatan ang kanyang kalusugan lalo na ang kanyang puso dahil madali siyang kapitan ng sakit. Tips para dito ay kung nakasanayang itaas ang bahagi ng isang mata pantayin ito sa pamamagitan ng pagtaas naman ng baliktad na bahagi. Gawin itong ehersisyo para mapraktis. Magsuot din ng throat chakra enhancer na kulay asul na power stone tulad ng Angelite.

18. Pinag-isang kilay or unibrow sa Ingles


Ito ang klaseng kilay na bahagi na sa kultura ng bansang Tajikistan na kung saan ang mga kababaihan ay nilalagyan ng lanya ang gitnang bahagi ng kilay upang maging isa na simbolo ng kagandahan at kalinisan ng kanilang kababaihan.

Kapag ang gitnang bahagi ng kilay ay makapal at maitim, indikasyon ito ng taong nahihirapang irelax ang isip at ang ilan naman ay may sakit na insomnia na kung saan nahihirapan din siyang matulog. Tips para dito ay panatilihing naka-shave ang gitnang bahagi ng kilay.

Kapag ang kabuuang kilay naman ay manipis at diretso ang hugis, nangangahulugan ito ng taong madaling maniwala kaya kinakailangang mag-ingat. Kinakailangan niyang bigyan ng korte ang kanyang kilay upang gumaganda ang kanyang aura.

Kapag ang kilay naman ay malapad at manipis naman ang gitnang bahagi tulad ng dating kilay ni Senator Bong Revilla Jr., indikasyon ito ng taong happy-go-lucky at ini-enjoy ang kanyang trabaho. May malakas na magnet rin ito sa opposite sex at nakaka-attract ng habangbuhay na pag-ibig pero ang ilan sa mga indibidwal na ito ay kinakailangan pang i-activate ang peach blossom luck nito ayun sa kanyang Chinese Zodiac Sign.

Kung ikaw ay Year of Tiger, Horse at Dog kinakailangan mo magdisplay ng figurine na RABBIT sa EAST direction. Kung ikaw ay year of the Ox, Rooster at Snake ang kinakailangan mong i-display na HORSE figurine sa SOUTH direction. Kung ikaw ay year of the Rat, Dragon at Monkey kinakailangan mo magdisplay ng figurine na ROOSTER sa WEST direction. Kung ikaw ay year of the Rabbit, Sheep, Pig kinakailangan mo magdisplay ng figurine na RAT sa NORTH direction.

19.  Panimula lamang ang may kilay


Ang ganitong uri ng kilay ay ang taong may sistema sa pang-araw araw na buhay lalo na kapag ito ay halos araw-araw na inaayusan at nilalagyan ng linya tulad ng eyebrow pencil. Kadalasan din itong makikita sa mga Ga-ru na ang ibig sabihin sa salitang Hapon ay babaeng tinedyer. Makikitaan din ang ganitong uri ng kilay sa mga lalaking Hapon lalo na sa mga hosto.

Kapag ang kilay na ito ay sobrang nipis naman ay indikasyon ito ng katigasan ng ulo, makasarili at walang takot kaya minsan napapahamak.

Kapag ito ay natural lang dahil pakalat tumutubo ang kalahating bahagi ng kilay, naghihikayat ito ng bad energy kaya nagdudulot ito ng kamalasan o di kaya panganib. Ang tip dito ay kinakailangan lagyan ng linya gamit ang dark grey color eyebrow pencil upang krontahin ang malas.

Isa mga halimbawa sa ganitong uri ng kilay ay si Anna Tsuchiya na American Japanese Actress singer model na nakaranas ng diskriminasyon sa kanyang tibang noong sya ay baguhan pa lamang. Nagsimulang gumanda ang kanyang kapalaran simula ng nilagyan niya ng linya ang kanyang mga kilay di naglaon nagbigyan siya ng break sa kanyang movie na “Kamikaze Girls” at mula noon isa na rin siya sa most in-demand na models dito sa Japan.

20.  Makalat na kilay

Kapag makalat ang kilay at iba-iba ang direksyon nito, ibig sabihin nito ay isang indibidwal na updated sa current events.

Kapag ang klase ng makalat na kilay na kung saan ang buhok ay nasa labas mismo ng primary na kilay ay nangangahulugan sa tao na mayroon siyang malawak na imahinasyon.

Kapag ang klase naman ng kilay ay manipis, malapad at makalat ay indikasyon ng taong madaling panhinaan ng loob, o di kaya madaling malulon sa bisyo. Tip para dito ay kinakailangan nito lagyan ng buntot ang huling bahagi ng kilay upang magkaroon ng disiplina sa sarili.


Sources:

http://spiritualseeker.tumblr.com/post/33875857374/face-reading-what-your-eyebrow-shape-means

http://prachimishraimageconsulting.com/2011/07/28/know-your-face-3/

http://xxge.blogspot.jp/2012/05/blog-post_7416.html

http://www.abc15.com/dpp/news/region_phoenix_metro/north_phoenix/Valley-beautician-Danielli-Marcelino-shapes-eyebrows-to-bring-good-luck

http://www.azg168.cn/mianxiangdaquan/bazimei/53864.html

http://a88hk.blog.163.com/blog/static/13285966320101902037205/

http://www.tarotkingdom.com.my/blog/feng-shui-eyebrow

http://www.stuffmomnevertoldyou.com//blog/the-only-place-in-the-world-where-women-covet-unibrows/

http://newsinfo.inquirer.net/213901/more-youth-involved-in-illegal-drugs%E2%80%94secretary-soliman

www.nanisoretorendo.com

http://fengshui.about.com/od/fengshuicuresforlove/f/Peach-Blossom-Luck-Attract-Love.htm



Comments