Paggawa ng Gayuma

by: Emosians

“Lumay” ang salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay gayuma. Ito ay pangkaraniwang salita na naririnig ko sa mga nakakatanda sa aming baryo. Dekada na ang itinagal ng usap-usapan o chismis na maaari daw ‘na-lumay’ (na gayuma) ng Aling Fely ang aking tiyuhin kaya siya nito pinakasalan sa kabila ng katandaan, pagiging biyuda nito at pagkakaroon ng 5 anak na babae. Gwapo, matalino at binata ang aking tiyuhin kaya halos nagpupuyos sa galit ang aking lola at halos di matanggap sa aming pamilya noon si Aling Fely. Nagkaroon ng kambal na anak na babae ang aking tiyuhin at masaya naman silang nagsama hanggang mamatay ang aking tiyuhin sa pagkakabaril. Kaya halos di pa rin matapos hanggang sa ngayon ang isyu kay Aling Fely bukod sa marunong daw ito manggayuma ay mayroon daw itong sumpa sa kanyang mga nunal sa pisngi na dinadaluyan ng luha kaya ang kapalaran ng dalawang napangasawa nito ay kamatayan.


Sa pag-usbong ng renaissance sa Europa, umusbong rin ang mga uri ng gayuma tulad ng paggamit ng manika, anting-anting, orasyon, pabango o ano-ano pang uri. Kung kaya, halos lahat ng mga orasyon ay nasa salitang Europa, nangunguna na rito ang mga salitang Latin dahil mas mabisa daw ito kaysa sa anumang lengguwahe.

Ang taong walang karunungan sa paggamit ng gayuma ay magdadala lamang ng kapahamakan sa kanya o sa taong sinisinta. Kinakailangan na ang taong nagsasagawa ng gayuma ay may magandang intensyon. Tulad na lamang ang lalaki ay nangangaliwa at gusto nitong matigil ang pambababae kaya magandang rekomendasyon ang gayuma.



Mga uri ng gayuma:

A. Mga pabango, aromatherapy, aroma jars, incenses, room spray at iba pa:

1- Vanilla

Nagbibigay balanse sa sensual na pakikitungo ng kapareha sa isa’t isa.

2- Patchouli

Meron itong amoy na nagiging dahilan para maging malibog sa bawat isa.

3- Musk

Ang ganitong sangkap ng pabango ay nagpapahalina sa mga kababaihan.

4- Peppermint

Ang malinis at minty scents ng Peppermint ay nagpapagising at nakapagbibigay ng kakaibang enerhiya lalo na sa usaping lovemaking.

5- Ylang Ylang

Ang uri ng halaman na ito ay naghihimok sa inyo ng

verbal communication upang maging open sa isa’t isa.

6- Jasmine

Ito ang pinakapaboritong sangkap ng pabango ng mga kalalakihan dahil nakakaturn-on sa kanila ang uri ng halaman na ito.


B. Couple Candle:

kadalasan mabibili ito sa Quiapo o di kaya gypsy store at may kasama ng orasyon.


Puti - para sa mga single na naghahangad ng wagas na pag-ibig.

Pink - para sa harmonious na relasyon lalo pag ang magkasintahan ay panay away dahil sa pagkakaiba ng kanilang kultura, lengguwahe, relihiyon at iba pa.

Pula - Pag-aalab ng relasyon lalo pag ito ay nanlalamig na.

Asul - Pagkakaroon ng katahimikan sa mag-asawa lalo na kapag sila ay magkasama sa negosyo, trabaho o anumang organisasyon at nagbibigay din ito ng halina sa kayamanan.

Itim - ito ay di na sakop ng gayuma at mas naaayon ito sa kulam dahil sumisimbolo ito sa paghihiganti dahil naghahatid ito ng kamalasan sa mang-aagaw.

Iba’t ibang kulay - ito ay nababagay lalo na para sa mag-asawa dahil nagbibigay ito ng bendisyon sa kanilang pagsasama.


C. Hypnotismo:

isa sa mga gamit ng hynotismo ay ang pahuhumalingin at paiibigin ang taong sinumang naisin nito. Lahat ng tao ay may kapangyarihan ng hypnotismo pero kakaunti lamang ang nag-aaksaya ng panahon para pag-aralan ito.


Madali lamang ang proseso nito. Magandang gamitin pag gusto mong ingatan ang isang kliyente lalo na sa omise o di kaya ka-date at gusto mong magkaroon ng relasyon dito:

Ang pinakasimpleng paraan ay pagtitig sa taong ninanais at pagpapakita ng interes dito. Tandaan na makapangyarihan ang mata ng tao dahil mayroon itong daluyan kung saan nandirito ang bintana ng kaluluwa.

Kapag napansin mo na madalas na siyang ngumiti at tila bang nakikinig sa iyong mga sinasabi ay laruin ang likod na parte ng kanyang buhok sa may bandang batok. Ang buhok ay mayrong elektrika na tinatawag na static. *Kung di ka naniniwala bakit di mo subukan, patayin mo ang ilaw sa iyong kwarto at kiskisin ang iyong kamay pagkatapos ikiskis naman ito sa iyong mga unan. Mapapansin mo ang tila maliliit na pumuputok na ilaw. Ito ang static electricity na mayroon na sa ating katawan.

Pagkatapos bulungan ang taong ito at sabihin ang mga salita ng paghanga. Gamitan ng senswal na tinig at paniguradong umepekto na ang love hypnotism.


4. At ang pinakahuli ay siguraduhing mabango ang hininga tulad ng chewing gum, candy o di kaya mouth wash. Hindi mo kinakailangang halikan ang taong gusto mong ma-hypnotismo. Kailangan lang kausapin mo siya na halos dadampi na ang inyong mga labi sa kanya at panatilihing nakatitig ang mga mata. Kinakailangang paulit-ulit mo gawin ang ganitong proseso na di bababa sa tatlong beses. Makikita mo na ang bisa nito pag napansin mo na ang loyalidad ng taong nasa ilalim ng hypnotismo mo.


D. Mga Orasyon:

Maraming klase ng orasyon ang gayuma dahil isa itong banal na sikreto ng mga taong marunong lamang gumamit nito. Kung kaya, kinakailangan na ang maalam lang at di dapat naibabahagi sa publiko ang ganitong kapangyarihan. Ang emosyon ng tao ay di dapat kailanman kontrolin. Ang maling paggamit ng gayuma ay may katumbas na kapahamakan sa taong gagawa nito kapag ang kanyang hangarin ay masama.

Isa sa mga ibabahagi kong orasyon ay ang hangarin na mapaibig habang buhay ang taong minamahal:


Mga sangkap:

* rose quartz power stone (yung maliliit)


* 10ml ng umagang hamog (morning dew) ito ay tubig na makukuha sa mga halaman


* Rose salt mga dalawang kutsarita (kulay rosas na asin)

* Isang piraso puting kandila

* Isang piraso Pulang kandila

* Larawan ng taong sinisinta

* Kaunting piraso ng buhok

* Buhok ng taong gusto (kaunting piraso)

* Lalagyan pang plastic bottle spray kulay blue or brown basta wag transparent

* Vodka kahit anong brand ng alak

* Jasmine essential oil

* Strainer

* Love Classical Music

* Papel

* Pulang damit o bestida

* Kutsura

* Powder Tawas

* Tali


Proseso:

1. Paghaluin ang mga sangkap na rose quartz, umangang hamog, buhok mo at taong ginugusto, vodka 70-85%, jasmine 15-30% at ilagay sa maliit na botelya na kulay blue or brown. Itago ito sa ilalim ng higaan o kama ng mahigit sa dalawang linggo.

2. Ilipat ang laman ng botelya sa plastic bottle spray sa pamamagitan ng strainer. Tandaan wag itapon ang mga ruby quartz

3. Kinakailangang gawin ang proseso itong ng Biyernes ng gabi bago maganap ang kabilugan ng buwan. Patugtugin ang love classical music tapos ilagay sa ofuro ang dalawang kutsarita ng rose salt at i-spray sa ofuro or bath tub. Magbabad ka dito at isipin ang taong minamahal at sabihin ang orasyon sa latin “i nunc amit me te amare simul lorem

ipsum dolor sit amet you and i quoque sicerit in me ex caritate.”

4. Pagkatapos mong maligo, magsuot ng pulang damit.

5. I-spray ang formula sa mga rose quartz.

6. Pagkatapos kumuha ng kutsara tunawin ang kandilang pula at puti hanggang magkulay rosas ito at ipatak sa mga rose quartz.

7. Gawing hugis puso ang wax na naglalaman ng rose quatz.

8. Itapat sa iyong puso ang ginawa at sabihin sa latin “Me plurem amo” at pangalan ng taong minamahal ng 10 beses at kinakailangan na makikita mo ang kanyang mukha sa iyong isipan.

9. Pagtapos palibutan ito ng tawas powder at talian.

10. Ilagay sa isang lalagyan o bote. Maglagay pa ng maraming powder, tawas at hayaan ito ng isang buwan.

11. Itago at wag hayaan mahawakan ninuman kundi mawawala ang bisa nito. Mapapansin habang tumatagal ay namumuo at lumalaki ito.

12. I-spray ang unang ginawang bottle solution at gawing pabango ito. Dapat, kaunti lamang.

13. Mapapansin mo na lamang kung gaano siya inlove na inlove sa iyo.

14. Kung gusto mo mawala ang bisa nito ay wag ka ng magpakita sa kanya at itapon ang mga ginawang rituals.


E. Vodoo Doll o manikang pangkulam

Ito ang pinakadelikadong proseso ng gayuma dahil maaring mapahamak ang taong ginagayuma kung di niya makayanan ang sumpa ng pag-ibig. Kadalasan ang mga gumagawa nito ay mga mambabarang o mas kilala sa Tagalog na mangkukulam. Sila lamang ang may karunungan sa ganitong bagay kaya kadalasan sa makabagong henerasyon ng mangkukulam ay ginagawa na lamang itong pagkakakitaan dahil na rin sa kakapusan ng buhay. Pero lingid sa kanilang kaalaman, na maaaring sa kaunting pagkakamali ay higit na kaparusahan sa kanila ang maibabalik.

Maraming klase pa ng gayuma na hindi pa naisasapubliko at nasa pag-aari lamang ito ng mga mangkukulam ayon sa mga matatanda. Ang mga ito ay mga gamit sa orasyon na pinapasa mula sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.


http://www.spellsofmagic.com/

http://en.wikipedia.org/wiki/Love_magic

http://www.askmen.com/dating/love_tip_200/224_love_tip.html

http://www.flaticon.com/free-icon/aromatherapy-tool-with-a-burning-candle-heating-fragrance-oil_32143

http://www.luckymojo.com/brideandgroomcandle.html

http://thefrogweb.files.wordpress.com/2009/12/practical-hypnotism001-s-crop-smaller.jpg

http://www.stonechest.com/productimg/fragments-rosequartz.jpg

http://www.ezwebrus.com/wallpapers/nature/morning_dew.jpg

https://www.etsy.com/listing/120461269/breakup-doll-voodoo-doll-red-and-black

Are you ready to look your very best?

Free Report:

10 Secret Tips For Beautiful Skin