Blog‎ > ‎

Isang Oras

posted Dec 22, 2013, 11:30 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Jun 21, 2014, 3:32 AM ]

Isang Oras
by: Erwin Brunio

Maligayang Pasko sa mga suki ng Daloy Kayumanggi newspaper, NTT World Prepaid Card at ng D&K Corporation. Sana ay maging mas masaya, makabuluhan at puno ng pag-ibig ang dumating sa buhay mo, suki naming mambabasa. At sa pagdating ng bagong taon, sana ay makasama kita sa patuloy na pagpapa-angat sa lahing Kayumanggi dito sa bansang Japan.

Bago pa pumanaw ang taong 2013, hagilapin mo ang iyong New Years Resolution at tingnan kung ano-ano na ang nakumpleto. Marami na bang check?  May maihahabol ka pa ba ngayong December? Sana hindi maging xerox copy ang iyong 2014 New Years Resolution sa 2013.

Isa sa maaring mong maihabol ngayong December ang pagiging matulungin sa kapwa. Marahil, ikaw ay isa sa mga iilan na may New Year resolution na magbigay sa mga charity o simbahan. Ngayon na ang chance mo. Ngayong December, pwede pa.

Ang ating mga kababayan sa Pilipinas, lalo na ang mga naapektuhan ng lindol sa Bohol at Cebu, at ng bagyong Yolanda sa Leyte, Samar, Cebu, Antique, Capiz, Aklan, Iloilo at iba pang mga probinsya, ay pilit bumabangon sa trahedyang ito. Alam ko na marami ka na ring naitulong gaya ng pagdonate ng pera, damit, pagkain at kung ano pa. Subalit sa mga ganitong sitwasyon, nangangailangan pa rin ng suporta ang ating kababayan upang maituloy ang naudlot na edukasyon ng mga bata, magtayo o magkumpuni ng bahay, o kaya magkaroon ng trabaho. Sa maliit na halaga, makakatulong ka pa rin sa kanila.

Ang community ng mga Filipino sa Japan ay nagtatag ng isang Filcom Disaster donation account upang tumanggap ng iyong mga donasyon. Ang malilikom na pundo ay direktang ibibigay sa mga naapektuhan ng kalamidad. Iilan sa mga bibigyan mga grupo o community na konektado sa simbahan. Marami na ring natatangap ang gobierno ng Pilipinas kung kaya mas mainam na bigyan din ang iba pang mga grupo upang masiguro na mas malawak ang matutulungan.

     
Filcom Disaster Donation

Bank Name: MUFG bank
Bank Branch:  Oizumi Shiten
Account Number: 350-510 0884
Account Name: Jenavilla Shigemizu
Account Type: Futsu

Alam ko na mahirap kumita ng pera sa Japan. Alam ko kung anong pagod, puyat at gutom ang tiniis mo. Alam ko na maliit lang ang kinikita mo kaya nag do-doble kayod ka para makapag-ipon. Kung kaya ang hinihimok namin sa iyo ang ang isang oras lamang ng iyong sweldo o baito.

Mahigit 200,000 tayong mga Filipino dito sa Japan. Kapag bawat isa sa atin ay nagbigay lamang ng isang oras, tinatayang makakalikum tayo ng 20 milyong yen. Ang isang oras na donasyon mo ay parang walis tingting, mas epektibo kapag pinagsama-sama.

Madali lang at hindi ito masakit sa bulsa. Huwag na munang mag starbucks o Mcdo ng isang araw. Huwag na munang magsigarilyo ng isa-dalawang araw. Huwag na munang bumili ng second hand bag na LV. Maraming paraan, ka-Daloy.

Pangalawa sa maari mong maihabol na New Years Resolution ay ang pagiging handa. Huwag hayaan na ikaw lamang ang may emergency bag. Hikayatin din ang iyong pamilya sa Pinas na gumawa ng emergency bag. Tingnan sa pangalawang box kung ano ang laman ng emergency bag.

Ngayong December, magbigay p
asalamat tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa ating pamilya at kapwa. I-donate ang iyong isang oras para sa Pilipinas.



~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~
Kung nais mong mag-donate ng isang oras, tumawag sa iyong lingkod sa 090-6025-6962 para sa karagdagang detalye. Maari ring mag-email sa erwin@daloykayumanggi.com o kaya mag-message sa aming facebook page sa www.facebook.com/daloykayumanggi.
Comments