Blog‎ > ‎

Ka-Daloy of the Month: Ang Pagbangon ng Pambansang Kamao

posted May 18, 2014, 4:01 AM by Daloy Kayumanggi   [ updated Jun 6, 2014, 11:39 PM ]
ni: Loreen Dave Calpito

davecalpitio529@gmail.com


Hindi maitatangi: Tunay na ngang kilala, hindi lamang sa buong Pilipinas at Asya, kundi sa buong mundo si Manny "PacMan" Pacquiao (o sa totoong buhay, "Emmanuel Dapidran Pacquiao").


Kapiraso ng Personal na Buhay ni Pacman


Ipinanganak si Manny noong December 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon kina Rosalio at Dionesia Dappdiran-Pacquiao. Pang-apat sa anim na magkakapatid si Manny. Sa murang edad (anim na taong gulang), naging produkto silang magkakapatid na tinatawag na "broken family." Ikinasal si Pacquiao kay Marial Geraldine "Jinkee" Jamora at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng apat na anak: Sina Jimuel, Michael, Princess at QUeenie. Kasalukuyang siyang Congressman ng lone district ng Sarangani.



High School Drop-out

Bunsod ng matinding kahirapan, napilitang mag-drop out si Manny sa high school. Sa edad na 14, napilitan siyang humiwalay sa kanyang pamilya para maghanap ng pantustos sa kanyang mga kapatid at ina. Kinalaunan, noong 2007, kumuha siya ng high school quivalency exam na nagbigay sa kanya ng daan para maging eligible sa pag-aaral sa kolehiyo sa Notre Dame of Dadiangas University sa kursong business management. Tinanggap niya ang Honorary Degree of Doctor of Humanities mula sa Southwestern University noong 2009 dahil sa kanyang achievements sa boxing at sa humanitarian work.


Pag-usbong ng Karera sa Boxing

Nagsimula sa pagbo-boksing si Manny sa edad na 14 sa Manila. Naging bahagi muna siya ng Philippine national amateur boxing team kung saan nakapagtala siya ng 64 amateur fights (apat dito ang kanyang talo). Sa edad na 16, nagawa na niyang makapasok sa mundo ng professional boxing. Naging instant star si PacMan noong 1995 matapos niyang talunin sa loob ng apat na rounds si Edmund “Enting” Ignacio sa Light FLyweight division.


Big Break

Maituturing na big break ni PacMan ang kanyang laban sa IBF Super Bantamweight title noong June 23, 2001 kontra kay Lehlohonolo Ledwaba. Late replacement lamang siya at tinanggap ang notice ng laban dalawang linggo bago ang big fight. Pinataob ni PacMan si Ledwaba sa pamamagitan ng technical knockout sa Las Vegas, Nevada.


Mula noon, umarangkada na si Pacquiao sa mundo ng professional boxing:

Pacquiao vs. Barrera I -- panalo si PacMan;

Pacquiao vs. Marquez I-- draw ang resulta;

Pacquiao vs. Morales I -- talo siya kay Morales;

Pacquiao vs. Morales II -- knocked-out is Morales sa 10th round (ang unang beses na siya’y mapatumba);

Pacquiao vs. Larios -- panalo si PacMan via a unanimous decision;

Pacquiao vs. Morales III -- muling tinalo ni Manny si Morales via a third-round knockout;

Pacquiao vs. Barrera II -- unanimous ang desisyon pabor kay Manny.


Ilan Pa sa mga Nakalaban ni Manny

Ilan pa sa mga nakalaban ni Manny ay sina: David Diaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito, at Shane Mosley. Kung saan, nailuklok si PacMan bilang Pay-Per-View Star.


Ang Pagbagsak

Hindi inasahan ng maraming fans na darating ang araw ng pagbagsak ng pambansang kamao. Noong 2012, una siyang pinabagsak ni Timothy Bradley, Jr. sa pamamagitan ng split decision, at ang pagkatalo niya kay Juan Manuel Marquez sa pareho ring taon (kung saan, na-knockout sa ikatlong round si Manny). Bunsod nito, sumadsad ang pound-for-pound ranking ni Manny.


Ang Muling Pagbangon

Ang kanyang laban kay Brandon Rios noong 2013 ang muling nagbigay ng matinding kasikatan kay PacMan. Unanimous ang naging desisyon sa naturang laban. Kamakailan, sa kanilang rematch, tinalo ni Manny si Bradley, muli sa pamamagitan ng unanimous decision. Kung noong 2012 ay kontrobersiyal ang kanilang laban, ngayon ay buong pusong tinanggap ni Bradley ang tinamong pagkatalo laban kay PacMan. Nito lamang, inanunsyo na ni Manny na maraming taon pa siyang maglalagi sa mundo ng professional boxing upang makapag-inspire pa ng mas maraming mga Pinoys worldwide.


Walang duda, si Manny ay ang Pambansang Kamao. Isa rin siyang Pambansang Bayaning nagbibigay ng pag-asa sa maraming mga Pinoy upang kayanin ang anumang hamon na buhay.

   

Ang "Ka-Daloy of the Month" ay isang bagong column ng Daloy Kayumanggi. Layunin nitong itampok ang ilang Pinoy na may kahanga-hangang kuwento ng buhay. Hangarin nitong makapagbigay ng inspirasyon sa mga Pinoy tungo sa ikauunlad ng kanilang buhay. May nakaka-inspire ka bang kuwento ka-Daloy? I-send ang kuwento mo sa davecalpito529@gmail.com. Baka ikaw ang susunod na tampok sa column na ito.



Comments