Blog‎ > ‎

Maglakad, kung gusto mong humaba ang iyong buhay

posted Sep 1, 2013, 3:31 AM by Mario Rico Florendo

Alam mo
na ba ang iba't ibang mga benepisyo ng paglalakad? Kung hindi pa, ang artikulong ito ay para sa'yo.

     Sinasabi ng ilang eksperto na kapag kulang ka sa pisikal na aktibidad, nakasasama raw ito sa'yong kalusugan -- partikular na sa kalagayan ng iyong puso. 

     Ayon pa sa resulta ng mga pag-aaral, ang paglalakad lang ng kahit dalawang milya kada araw ay nakababawas na ng may 40% na tiyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Naririto pa ang ilang mga kadahilanan kung bakit marahil lagi-lagi mong naririnig ang katagang, "Ang paglalakad ay pampahaba ng buhay."

1. Nagpapalakas ito sa "heart muscle."
     Kagaya ng nababanggit sa itaas, napatunayan na sa mga pag-aaral na kapag naglalakad ka ay napapalakas nito ang ating mga puso, partikular na ang "musle" nito. Resulta nito, mas nakakabomba ito ng dugo at nano-normalize ang pagtibok ng ating mga puso.

2. Napapalakas nito ang mga buto.
     Maigi ang gawaing ito para maiwasan ang mga kaugnay na sakit sa buto, dahil napapanatili nito magandang kalagayan ng ating mga buto. Epektibo ito para hindi magkaroon ng osteoperosis o 'di kaya bone loss. Maigi rin kung samahan ang ehersisyong ito ng pag-inom ng calcium at pagkain ng mga berdeng pagkain.

3. Nakatutulong ito para maiwasan ang kanser.
     Sinasabi ng mga eksperto na ang paglalakad lang ng dalawang milya ay nakababawas na ng 60% ng pagkakaroon ng nakamamatay na kanser. Ito ay dahil, napapatibay nito ang immune system o ang natural defense system ng katawan ng tao.

4. Nakatutulong ito para mapataas ang iyong self-confidence.
     Kung ikaw ang tipo ng taong may problema sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, ang gawaing-pangkalusugang ito ay swak na swak para sa iyo. Bukod sa nagiging daan ito para makabawas ng iyong timbang, sinasabing napapataas pa raw nito ang "sense of empowerment and control" ng isang indibidwal.

Kaya naman, para magkaroon ng masaya at malusog na pamumuhay, ugaliing isama sa iyong araw-araw na mga gawain ang paglalakad.

(kuha mula sa Pahina 10 ng Daloy Kayumanggi, September 2013 issue)
Comments