Blog‎ > ‎

Pitong Pangunahing chakra

posted May 18, 2014, 3:49 AM by Daloy Kayumanggi   [ updated Jun 6, 2014, 11:41 PM ]



Pitong Pangunahing chakra

by: Emosian


Ang Chakra ay salitang banal sa Sanskrit ng mga taga-India na ang ibig sabihin ay vortex o labasan ng enerhiya ng ating malay tao. Hindi ito pisikal na bahagi ng katawan pero ito ay dumadaloy na mga enerhiya sa kaloob-looban ng tao na kinakailangan komonekta sa labas ng kanyang ispiritwal at katawan.

   

Bago ko ipagpapatuloy ang pagpapakilala sa uri ng chakra ay kinakailangan mo munang alamin kung anong chakra ang nagrerepresenta sa iyong pagkatao. Walang tama o mali sa mga katanungan na ito kinakailangan lamang maging tapat sa mga isasagot. Kulayan ang Puso sa iyong sagot at para malaman ang resulta ay i-total ang bilang ng sagot na “oo, hindi at pareho”.



Paraan para matotal ang iskor:

    Bawat seksiyon sa itaas ay nagrerepresenta ng iyong chakra.

Kapag ang sagot mo ay 4 na “oo” ibig sabihin ay bukas na bukas ang vortex ng ispesipikong chakra.

Kapag 3 naman ang “oo” ay nangangahulugan na bahagya lamang itong nakabukas at nagsisimula na sa kamalayan.

Kapag 2 lamang ang “oo” nangangahulugan na pinipigilan mo buksan ng chakra sa iyong pagkatao.

Kapag 1 o zero naman ibig sabihin ay sarado ang vortex ng chakra na ito.

    

Tandaan walang tama o mali sa kasagutan mo. Itong pagsusulit na ito ay nagpapahiwatig na kinakailangan mong matutunan kung anong bahagi sa iyong chakra ang kailangan mong  mapabuti sa maximum nitong potensyal upang maging balanse ang iyong kalusugan at pagkato.

     

    Isulat dito kung ilan ang sagot na “oo” sa bawat quiz:

___ Quiz #1:Ugat Chakra

___ Quiz #2: Sacral Chakra

___ Quiz #3: Pusod Chakra

___ Quiz #4: Puso Chakra

___ Quiz #5:  Lalamunan Chakra

___ Quiz #6: Third Eye Chakra

___ Quiz #7: Korona Chakra


    Ayon sa paniniwala ay daan-daan ang dami ng chakra sa ating katawan pero meron lamang pitong pangunahing Chakra: Ang “Korona” kung saan nasa itaas ng ating ulo na parang korona, ang “Third eye” na nasa gitnang bahagi ng ating mga mata, ang “Lalamunan” ay nasa gitnang bahagi ng ating lalamunan, ang “Puso” nasa gitnang bahagi ng ating mga dibdib, ang “Pusod” ay nasa ating mga pusod, ang “Sacral” nasa maselan na parte ng ating katawan at ang “Ugat” nasa pinakaibabang parte ng ating gulugod.

   

Ang tao ay may kakayahang mangolekta ng maraming uri ng enerhiya mula sa ating katawan. Ang bawat pangunahing chakra ay konektado sa ating pisikal, emosyonal, mental at ispiritwal na kung saan din nakakaapekto sa ating bahagi ng pisikal na katawan na kung saan ay nakatakda dito ang bawat sistema ng ating laman loob o glandula. Kaakibat nito ang responsibilidad din sa ating katauhan na kinakailangan na maging balanse upang tayo ay mamuhay ng may kaligayahan at kapayapaan.

   

Nandirito ang mga resulta sa quiz. Tandaan alin man sa ito ay nauugnay sa iyo hindi ispesipiko na ikaw lahat ang tinutukoy.


Paraan para matotal ang iskor:

    Bawat seksiyon sa itaas ay nagrerepresenta ng iyong chakra.

Kapag ang sagot mo ay 4 na “oo” ibig sabihin ay bukas na bukas ang vortex ng ispesipikong chakra.

Kapag 3 naman ang “oo” ay nangangahulugan na bahagya lamang itong nakabukas at nagsisimula na sa kamalayan.

Kapag 2 lamang ang “oo” nangangahulugan na pinipigilan mo buksan ng chakra sa iyong pagkatao.

Kapag 1 o zero naman ibig sabihin ay sarado ang vortex ng chakra na ito.

    

Tandaan walang tama o mali sa kasagutan mo. Itong pagsusulit na ito ay nagpapahiwatig na kinakailangan mong matutunan kung anong bahagi sa iyong chakra ang kailangan mong  mapabuti sa maximum nitong potensyal upang maging balanse ang iyong kalusugan at pagkato.

     

Isulat dito kung ilan ang sagot na “oo” sa bawat quiz:

___ Quiz #1:Ugat Chakra

___ Quiz #2: Sacral Chakra

___ Quiz #3: Pusod Chakra

___ Quiz #4: Puso Chakra

___ Quiz #5:  Lalamunan Chakra

___ Quiz #6: Third Eye Chakra

___ Quiz #7: Korona Chakra


Ayon sa paniniwala ay daan-daan ang dami ng chakra sa ating katawan pero meron lamang pitong pangunahing Chakra:

Ang “Korona” kung saan nasa itaas ng ating ulo na parang korona, ang “Third eye” na nasa gitnang bahagi ng ating mga mata, ang “Lalamunan” ay nasa gitnang bahagi ng ating lalamunan, ang “Puso” nasa gitnang bahagi ng ating mga dibdib, ang “Pusod” ay nasa ating mga pusod, ang “Sacral” nasa maselan na parte ng ating katawan at ang “Ugat” nasa pinakaibabang parte ng ating gulugod.

   

Ang tao ay may kakayahang mangolekta ng maraming uri ng enerhiya mula sa ating katawan. Ang bawat pangunahing chakra ay konektado sa ating pisikal, emosyonal, mental at ispiritwal na kung saan din nakakaapekto sa ating bahagi ng pisikal na katawan na kung saan ay nakatakda dito ang bawat sistema ng ating laman loob o glandula. Kaakibat nito ang responsibilidad din sa ating katauhan na kinakailangan na maging balanse upang tayo ay mamuhay ng may kaligayahan at kapayapaan.

   

Nandirito ang mga resulta sa quiz. Tandaan alin man sa ito ay nauugnay sa iyo hindi ispesipiko na ikaw lahat ang tinutukoy.

Ito ang paraan para ma-energize ang iyong Chakra

   

Sa araw-araw ay iba ibang paraan natin nagagamit ang chakra hindi natin batid kung paano talaga ito ibalanse. Napakahalaga ibalanse ang iyong chakra dahil malaki ang tungkulin nito sa ating katawan at katauhan. Ito ang listahan ng mga proseso:


1. Pagkontrol sa iyong iniisip at nararamdaman sa kasalukuyan:

Ang isip ng tao ay nasa anyo ng enerhiya na pinatunayan ng sensya na kaya nitong kontrolin ang anumang bagay sa mundo.   Ayun sa libro ni Dr. Masaru Emoto na Message from the water  ay napaka-makapangyarihan ang isip ng tao kaya kahit ang tubig ay nakakadama nito. S ginawa niyang expirement kumuha siya ng pangkaraniwang tubig sa Shimanto river bawat isa ay nilagyan niya ng mensahe tulad ng mahal kita, salamat, gayundin ang kasalungat nitong mga masasamang salita tulad ng tanga, walang kwenta atbp. At pagkatapos ay nilagay sa pinakamamabang temperatura. Lumabas ang istraktura ng bawat expiremento niya ang mga magagandang salita sa tubig  ay namuo nang magagandang disenyo samantala ang mga masasamang salita sa tubig ay bumuo ng yelo na napakapanget.

   

Isipin mo lamang na ang iyong katawan ay binubuo ng 60% tubig kaya ano na lamang ginagawa mong kapahamakan sa katawan mo tuwing mag-iisip ka ng kalungkutan, galit, pagkadismaya sa sarili. Kinakailangan mong kontrolin ang iyong emosyon kapag nakakadama ka ng kalungkutan at mag-isip ka ng bagay na magpapasaya sayo o kaya kapag ikaw ay nasa bugso ng galit ay mag-isip ng gawain upang mabaling ang iyon atensyon sa ibang bagay.


2. Ang sikat ng Araw

Ang araw ay pinakaimportante ng uri ng enerhiya na natatanggap ng tao dahil sa araw ang lahat ng nilalang sa mundo ay nabubuhay kaya kinakailangan ay bigyan ang oras maglakad at mainitan. Kahit sinong ina alam ang bagay na ito kaya napakaimportante na ang kanilang sanggol ay mainitan tuwing umaga upang maging malusog ito. Sinasuggest ko rin na palitan ng kulay dilaw ang ilaw sa bahay dahil nagbibigay klaridad sa isipan ang kulay na ito.


3. Ang Pagkain

Natatanggap ng mga gulay at hayop ang enerhiya sa araw kaya kinakailangan ng katawan natin kumain ng mga pagkain na taglay sa pitong chakra. Ang bawat chakra ay may kaukulang mga kulay:


Violet (Korona) na meroong phytochemicals tulad ng anthocyanins at phenolics na nakakatulong upang umiwas sa sakit ng cancer, nakakapabuti sa memorya at nakakapabagal ng pagtanda ang mga halimbawa nito ay, violeta na kulay ng repolyo, talong, sibuyas na kulay violet, atbp.


Indigo (Third eye) na meroong anti-oxidant para linisin ang dumi o kemikals sa ating katawan  tulad  halimbawa dito ay acai, blueberry, ube, ubas, prunes atbp.


Blue (Lalamunan) na mayroong omega3 fatty acid nakakatulong sa tamang pagdaloy ng dugo ng ating puso halimbawa dito ay Tuna, Sardines, Mackerel atbp.

   

Green (Puso) na mayroong chlorophyll, fiber, lutein, folate, bitamina C atbp. Na nakakatulong para gumaan at maging malusog ang ating katawan tulad ng sitaw, repolyo, kangkong, avocado, monggo atbp.


Yellow (Pusod) na mayroong beta-cryptothanxin, carotenoids, at zeaxanthin na tumutulong upang gumawa ng bagong cellula sa ating katawan, proteksyon sa heart disease, gayin ang katarata sa mata at mga kalamnan.

   

Orange (Sacral) na mayroong beta-carotene, vitamin c, lycopene, at potassium na nakakatulong para magpapababa ng kolesterol, nakakabata din dahil nagagawa ito collagen at panlaban sa free radicals halimbawa dito ay kalabasa, carrots, mikan, kahel atbp.


Red (Ugat) na mayroong lycopene, ellagic acid, quercetin, iron at hesperidin na nakakatulong magpapaba ng blood pressure, mabisang enerhiya ng katawan halimbawa rito  karne ng baka, kamatis, red pepper, cherries, cranberries, strawberry atbp


3. Meditasyon  at Biswalisasyon

Napakahalaga na kailangan magpahinga ang utak ng tao. Kailangan magbigay siya ng oras upang klaruhin ang kanyang isipan sa problema at ang pinaka-mabisa rito ay ang pagyoyoga maari din naman ang pakikinig sa musika at paghinga ng malalim. Nakakatulong ito upang mabuksan ang daluyan ng chakra.


4.  Powerstones o metal tulad ng ginto,   pilak dahil ito ay nagmula sa yamang lupa tulad ng mga bato na nabuo mula sa bulkan o di kaya mga metal na galing sa kalaliman ng mundo. Nagbibigay ito ng koneksyon ng kapangyarihan sa tao upang sya ang maging matalas, magkaroon ng tiwala sa sarili at  makadama ng kaligayahan.


5. Paglalagay sa mukha o pagliligo sa bath tub (ofuro) na may kulay galing sa halaman, prutas, inumin atbp siguro pamilyar na kayo sa mga artista na hinahalo sa kanilang bath tub ang mga ito. Halimbawa na lamang si Vilma Santos na kasama sa kanyang beauty routine ang paglagay sa mukha ng honey at milk kaya mapapansin ninyo na hanggang sa ngayon nagmumukha siyang bata hindi niya alintana ay nakakatulong din ito sa pagbabalanse ng kanyang chakra.


6. Aromatherapy dahil ang mga essential oils  ay nanggagaling sa purong katas ng halaman o bulaklak. Ang bawat oil ay may kulay ayon sa kanilang bisa upang makagamot ng anumang sakit sa balat, stress, nakakabata atbp.


7. Musika dahil ang musika ay sining at ang bawat nota nito ay naaayon sa mga kulay sa chakra chart. Ang bawat tugtog ay kaya tayong tapikin ng uri ng damdamin at alala.


8. Tunog na nagmumula sa ating mga tinig ay nagbibigay ng vibration na rumiresponde sa ating katawan kaya kinakailangan din pag-aral ang tamang tono sa pakikipag-usap o di kaya malayang pagkanta.


9. Solarized Water ito ay klase ng tubig na inilagay sa baso at pansamantalang binilad sa araw upang maglagyan ng enerhiya ang pag-inom nito ay nakakaklaro ng ating ispiritwal na kalagayan.


10. Mga kulay sa bahay, sa pananamit, gamit atbp. Ay malaking  gampanin sa ating chakra dahil ang mga ito ay tila magneto na binubuksan ang daluyan ng enerhiya.


SOURCES

http://www.healer.ch/Chakras-e.html

http://projectinnerpeace.org/wp-content/uploads/2011/10/Chakra-Chart2.jpg

http://www.wallsave.com/wallpapers/7648x3200/chakras/872845/chakras-ai-adobe-illustrator-svg-vector-872845.jpg

http://www.crystalsrocksandgems.com/images/ChakraMan.gif

http://threeheartscompany.com/chakra.html

http://sacredcenters.com/history-of-the-chakra-system/

http://chakraenergy.com/

http://www.crystalspringshealing.com/holistic-healing-chakra-healing.htm

Dr. Emoto Masaru Message from the water
Comments