Blog‎ > ‎

Samsung Galaxy S3-alpha (SC-03E alpha)

posted Jun 21, 2013, 4:14 AM by Erwin Brunio   [ updated Jun 21, 2013, 4:33 AM ]
Samsung Galaxy S3 alpha
by Erwin Brunio

    Alam mo ba na dahil sa pagtitipid ng ibang kababayan natin, lapad lapad pa ang naging phone bill nila pagbalik sa Japan? Bakit kamo? Dahil sa ayaw "daw" gumastos at bumili ng cellphone para gamitin sa Pilipinas sa pag-uwi nila, pina roaming na lang nila yung cellphone sa Japan. Anong nangyari, na-shock lang naman sila sa laki ng phone charges nila. Imagine mo na lang na ubos na nga ang pera mo sa pagbakasyon mo sa pinas, may nakahintay pa na 5 lapad na phone bill pagbalik mo sa japan!

    Ba't hindi subukan ang Samsung Galaxy S3 Alpha (Sa-03E)? Pareho na pwedeng magamit sa Pilipinas o kaya sa Japan kung kaya't hindi mo na kailangang ipa-roaming ang Japan-based cellphone mo. Ang maganda pa nito, maari mo ring gamitin itong Samsung Galaxy sa Japan simcard. Halimbawa napaglumaan na ang iyong cellphone. O kaya madali ng maubos ang battery o kaya nagloloko na ang ibang mga parte ng iyong cellphone. Ilipat lang ang simcard sa Samsung Galaxy alpha at ok na.

    Para hindi ma-shock sa bill sa telepono dahil sa roaming charges? Palitan lang ng simcard na mula sa Pilipinas at presto, paglanding na paglanding mo pa lang sa airport sa Pinas, maari mo ng gamitin ito. Halimbawa, ang tawagan yung super-excited mo na na pamilya na lumapag na ang iyong eroplano o kaya ang sabihan sila na maghanda na ng fiesta special at dumating ka na. O di ba wais! Wagi ka dito



    Kung may mga katanungan sa mga produkto na nakalagay sa Daloy Kayumanggi, o kaya may mga isyu o problema kayo na nais hingan ng opinyo, magsulat lang sa "Dear Kuya Erwin" sa email address na erwin@daloykayumanggi.com. Maari ding ipadala sa text sa 090-6025-6962. Susubukan naming sagutin ang lahat ng mga tanong ninyo sa aming makakaya. At may chance pa na ma-i-publish ang katanungan ninyo sa Daloy Kayumanggi newspaper sa kolumn.

Comments