Tips

World’s Best Quotes on Love

posted Feb 11, 2012, 10:42 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Sep 10, 2014, 1:43 AM ]

Halos tayong lahat ay mahilig sa quotations, kaya nga pino-forward natin ito sa mga text messages o kaya sa email. Ang mga magagandang quotes ay nagbibigay liwanag sa isipan ng tao kahit kunti lang ang salita na nababasa. Kaya sa edisyong ito, tinipon ng Daloy Kayumanggi ang ilang sa mga pinakasikat na love quotes sa buong mundo.

“If I give all I possess to the poor and give over my body to hardship that I may boast, but do not have love, I gain nothing.  Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.  It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails…” – I Corinthians 13:3-8

“Love does not consist in gazing at each other but in looking outward together in the same direction.” – Antoine de Saint-Exupery

“Absence sharpens love, presence strengthens it.” – Benjamin Franklin

Just because someone doesn’t love you the way that you want, doesn’t mean that they don’t love you the best way they know how. – Anonymous

 “When the power of love overcomes the love of power, then there will be true peace.” – Sri Chin Moi Gosh

“True intimacy with another human being can only be experienced when you have found true peace within yourself.” – Angela L. Woznia

“Find the person who will love you because of your differences and not in spite of them and you have found a lover for life.” – Leo Buscaglia

“Love has nothing to do with what you are expecting to get – only with what you are expecting to give – which is everything.” – Katharine Hepburn

“Love is life. All, everything that I understand, I understand only because I love. Everything is, everything exists, only because I love. Everything is united by it alone.” – Leo Tolstoy

“People were made to be loved and things were made to be used. That’s why there’s so much chaos in the world – people are being used and things are being loved.” – Anonymous

“Love cannot remain by itself – it has no meaning. Love has to be put into action and that action is service. Whatever form we are, able or disabled, rich or poor, it is not how much we do, but how much love we put in the doing; a lifelong sharing of love with others.” – Mother Teresa

“Time is too slow for those who wait, too swift for those who fear, too long for those who grieve, too short for those who rejoice, but for those who love, time is eternity.” – Henry Van Dyke

(image courtesy of stunningmesh.com)

Bigo Sa Pag-ibig? Paano Malulunasan Ang Masakit na Karanasan

posted Feb 11, 2012, 10:38 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Sep 10, 2014, 1:44 AM ]

Okay, nabi
go ka sa pagbigo at ngayon tinatawag mo ang iyong sarili na isang “victim of love”, kung baga. Ano ang gagawin mo? Hayaan mo nalang nakamukmok sa tabi at babaha ang iyong luha? Narito ang mga hakbang paano magagamutan ang pagkawasak ng iyong puso.

1. Itapon ang lahat na mga bagay na mag-remind sayo ng kahapon: pictures, gifts, etc. Kung makikita mo ang mga bagay na may kaugnay sa taong iyong minamahal, lalo ka lang masasaktan at hindi mapabilis ang paggaling sa sakit ng iyong puso.


2. Tanggapin ang katotohanan. Huwag nang magpumilit at parang mag-ilusyon na ito ay hindi nangyari. Nangyari na ang nangyari. Sabi nga nila: past is past. Harapin ang kinabukasan at isipin nalang na ito ay bahagi ng karanasan sa buhay na may asal.


3.
Putulin ang komunikasyon. Kung patuloy ang text, email, o phone call, malamang lumala lang ang sugat ng iyong damdamin. Mahirap makapag-move-on kung nandyan pa rin ang komunikasyon sa isat-isa.


4.
Gawing busy ang sarili. Maging abala sa trabaho. Matuto sa isang bagong language. Matuto sa paggamit ng isang software. Makilahok sa sports. Gawin ang mga bagay na magamit ang bakante mo na oras para madaling malimot sa nakaraan.


5.
Magbasa ng ibat-ibang uri ng libro na magbigay dagdag kaalaman sa iyong trabaho o profession.

6.
Itigil ang pagsisi sa sarili. Patawarin kung sino ang may kasalanan at patawarin din ang iyong sarili. Magdasal at magkaroon ka ng kapayapaan sa puso at sa isipan.


7.
Maghintay sa takdang panahon. Sabi nga nila: Time heals all wounds. Darating din ang panahon na magpasalamat ka sa karanasan kahit masakit man yon dahil duon natuto ka ng mga bagong bagay na maaring hindi mo matuto kung hindi mo naranasan ang kasakiman sa pag-ibig.


8.
Tumawag sa mahal sa buhay. Makipag-usap sa mga kaibigan na mapagkatiwalaan. Kausapin ang mga magulang at kapatid. Gagaan ang iyong pakiramdam kung mayroong nakinig sa iyong kuwento sa buhay.


Tandaan, habang may buhay, may pag-asa. May Diyos na nagmamahal sayo at walang katumbas ang pag-ibig ng Maykapal. Ilapit ang sarili sa Panginoon at ikaw ay magkaroon ng bagong direksyon at mabuhay uli ang ngiti sa iyong mukha.(larawan mula sa dektopmedia.eu)

Sekreto Sa Isang Masayang Relasyon

posted Feb 11, 2012, 10:32 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Sep 10, 2014, 1:44 AM ]

Bakit kaya may mga relasyon na humantong sa malungkot na wakasan at meron namang lubos ang kasayahan? Mayroon kayang sekreto sa isang masaya at matagumpay na relasyon? Narito ang mga sekreto na binanggit ng mga eksperto kung bakit masaya at matagumpay ang isang relasyon.

1) Komunikasyon. Nauna rito ang komunikasyon sa isa’t-isa. Sa oras na huminto ang komunikasyon sa lalaki at babae, dito rin nagsimula ang magkalabuan sa pagtingin sa isa’t-isa. Napakahalagang bagay ang maging open sa lahat na panahon sa iyong minamahal. Yong wala kang takot na sabihin ang anumang gusto mong sabihin. Sikapin din na ang bawat isa ay marunong makinig kung anuman ang sinasabi sa minamahal sa buhay. Hindi pwede na ikaw lang o siya lang ang nagsasalita.

2) Pagmamahal Sa Sarili. Ayon sa mga eksperto sa relasyon, mahalaga sa isang tao na minahal niya ang kanyang sarili, una sa lahat. Paano ka daw makapagbigay ng pag-ibig kung hindi mo naman pala minamahal ang sarili mo? May kasabihan po na: “You cannot give what you do not have.” Ang taong may magandang pananaw tungkol sa kanyang sarili ay magkaroon ng kakayahan na ipamahagi sa kanyang minamahal ang kagandahan ng kanyang loob. Dapat magsimula sa sarili mo ang pag-ibig at ito ay lalabas para sa iba.

3) Katapatan, Tiwala, at Respeto. Kinakailangan na maging tutoo ka sa iyong minamahal sa buhay. Ang pagsisinungaling ay nakakasira sa relasyon. Maaring magbalik ang tiwala pero mahirap maibalik ang dating sitwasyon nuong hindi pa nawala ang tiwala. Itataguyod din ang respeto sa isa’t-isa. Tandaan hindi mo pag-aari ang isang tao. Respetohin mo ang mga bagay na kinabibilangan sa kanyang kataohan.

4) Pagkakaibigan. Ang magandang relasyon ay nakasalalay sa isang magandang pagkakaibigan. Kailangan na ang mag-asawa ay matalik na kaibigan sa isa’t-isa. Di porke nag-asawa na, wala na yong elemento sa pagiging kaibigan. Magtawanan at magbiroan pa rin kayo parang mga bata. Madaling masira ang relasyon kung wala na ang pagiging kaibigan at palagi nalang nag-aaway.

5) Touching o paghihipo. Sabi ng mga eksperto, napakahalaga ang touching sa relasyon ng pamilya. Sa mga may asawa, dapat nariyan ang patuloy na paghihipo kahit matagal na ang pagsasama. Makapangyarihan ang paghihipo dahil ito ay nakapagbago sa damdamin at pag-iisip ng tao. Sabi din ng mga doktor na ang may sakit ay madaling nalulunasan sa pakiramdam kung palaging hinihipo. Huwag kalimutan ang pagyakap at paghalik sa iyong minamahal tuwing kayo ay nagkikita o lumalabas ng bahay.

(larawan mula sa  freestockphotography.com.au)

Paano Mapalago Ang Pag-ibig Para Sa Isa’t-Isa

posted Jan 27, 2012, 9:39 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Sep 10, 2014, 1:43 AM ]

Naranasan nyo na ba na gumising sa umaga at parang hindi mo kilala ang nasa iyong tabi na kasama mo sa pagtulog? Pagkatapos ng maraming taon na pagsasama, maaring nadama mo na parang estranghero na ang iyong asawa o minamahal sa buhay. Narito ang mga ideya kung paano mapalago uli ang init ng damdamin para sa isa’t-isa.

Magsabay Kayong Magluluto

Maaring sa breakfast o kaya sa dinner na magtulongan kayo sa pagluluto tuwing weekends. Sa ganitong paraan, mapatibay ang team work ng mag-asawa. Dagdag pa nito, maka-save kayo ng pera kung sa bahay kayo nagluluto at kumakain. Ang mahalaga nito, kahit anong lulutuin, ay nagsama-sama ang mag-asawa sa isang mainam na gawain sa bahay.

Magsimula ng Isang Proyekto

Mag-usap kayo na simulan ang isang malaking proyekto o gawain sa bahay. Maaring ito ay ang pag-general cleaning sa buong paligid. O kaya ang pagtatanim ng mga bagong halaman sa garden. O kaya ang pag-aayos sa mga sira sa loob at labas ng bahay. Lalong lumalago ang pag-ibig sa isa’t-isa kung sama-sama ang mag-asawa sa isang proyekto.

Magkaroon ng Isang Araw Para Balikan ang Kahapon

Masarap balikan ang kahapon, ang unang pagkikita, ang unang yakap at halik. Ano kaya kung sabay kayo sa asawa na manuod ng old movies o kaya makinig sa mga lumang tugtugin o kaya halungkatin ang mga lumang larawan. Nakakabighani sa puso kung ang mag-asawa ay sabay na nag-asam-asam sa kahapon sa pamamagitan ng mga memento o memorabilia.

Sumali sa Isang Paligsahan o Sports

Mapalakas ang pag-ibigan ng mag-asawa sa pamamagitan ng sports. Maaring sabay kayong matuto ng bagong sports o kaya manuod ng isang race o competition.

Isang Araw Na Magkayakap

Ihanda ang isang araw na kayo lang dalawa sa bahay o kaya sa isang pribadong lugar na wala kayong ibang gawin kundi mag-usap lang, magkayakap, at nakahiga lang sa kama buong araw. Malaking tulong ito para mabuhay uli ang init ng damdamin.

Maging Concern sa Bawat Isa

Huwag kalimutan ang pagtatanong ng “How’s your day, Honey?” Panatilihing masarap ang komunikasyon o pakikitungo sa iyong minamahal. Magpadala ng text message, email, o kaya tumawag sa phone sa iyong asawa o minamahal araw-araw at ito’y magdudulot ng matagumpay na pagsama-sama.

(Larawan mula sa www.hdwallpoaoersdesktop.com)

Tamang Pag-gamit Ng Facebook Sa May Asawa Na

posted Jan 4, 2012, 3:33 AM by Daloy Kayumanggi   [ updated Jan 4, 2012, 3:35 AM ]


Alam mo ba na marami ng mga mag-asawa ang naghihiwalay o nag-divorce dahil sa maling paggamit sa Facebook? Kaya kung ang isang tao ay hindi maingat sa paggamit ng Facebook, maaring ito ang maging sanhi ng pagkawasak ng pamilya.

Totoo naman na malaki ang maitutulong sa Facebook sa pag-connect sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita at sa mga kamag-anak na matagal ng hindi nakasama. Pero totoo din ng dahil sa Facebook, ito ang maging dahilan na mabuhay ulit ang patay na sanang relasyon sa isang ex-boyfriend or girlfriend. At dito nagsimula ang problema. Kaya marami sa mga pamilya ang apektado sa Facebook.

Kung ikaw ay may asawa na, narito ang ilang paalala tungkol sa tamang paggamit sa Facebook at maiwasang magka-problema ang iyong relasyon sa asawa.

1.     Yong Facebook profile mo, gamitin ang lawaran na dalawa kayo sa iyong asawa. Ito ay magsilbing mensahe sa buong mundo na binigyan mo ng kahalagahan ang iyong marriage. Huwag na mag-pretend na ikaw ay single pa. Ilantad kaagad sa picture pa lang ang iyong status.

2.     Ideklarar kaagad na married ka sa iyong status. Mayroon kasing ibang tao na kahit married sila, tinatago nila ang kanilang status kaya napagkamalan na wala pang partner.

3.     Para maiwasan ang gulo, huwag na tanggapin ang friend request galing sa isang opposite sex na hindi mo kilala. Ito ang maging simulan na maging interesado ka sa isang stranger na maaring humantong sa malaking problema sa pamilya.

4.     Mahirap man itong gawin pero mas mabuti kung huwag nalang tanggapin ang friend request ng iyong ex-boyfriend o ex-girlfriend. Ang nakaraan ay nakaraan na. Tandaan na may private message at chat room ang Facebook. Maging tulay ito sa dalasang pagkuminakasyon sa dating magkasintahan. Kung matuklasan ito sa iyong asawa, baka ito pa ang dahilan ng malaking away dahil sa pagseselos.

5.     Maging open ka sa iyong asawa tungkol sa lahat na parte ng iyong Facebook account. Kung anuman ang pinag-share mo sa ibang tao katulad ng photos, videos, o links, gawin ding itong accessible sa iyong husband o wife.

6.     Para transparent ang lahat, ibigay mo ang iyong username at password sa iyong asawa, kung baga bawat isa sa inyo ay may alam sa username at password sa isa’t-isa. Mas mabuti pa na joint account ang gamitin nyo. Kasi kung wala ka namang tinatago sa iyong asawa, wala ka namang ikabahala kung alam niya lahat kung ano ang nasa iyong Facebook account, di ba?

 Ating tandaan na ang malaking sunog ay nagsimula sa maliit na apoy lamang. Kung hindi tayo maging maingat sa paggamit sa Facebook, ito ay maging sanhi sa malaking conflict na maaring humantong sa hiwalayan – at marami na ang naka-experience nito. Pero kung susundin ang mga gabay na nabanggit, ang paggamit ng Facebook ay maaring magbigay ng dagdag na kagalakan sa iyong buhay at pamilya.


Image courtesy of stoneysteiner at flickr.com

Ang Walong Gawi ng mga Epektibong Tao

posted Dec 10, 2011, 10:43 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Dec 10, 2011, 10:45 PM ]

 (halaw mula sa The seven habits of highly effective people at The 8th habit ni Steven R. Covey)

Unang  Gawi: Maging Maagap (Be Proactive)
Ang buhay ay hindi kusang “nangyayari” at lalantad na lang sa iyo. Ito ay kusang gawa mo sapagkat anumang sitwasyon na darating, ang desisyon ay laging nasasaiyo. Sapagkat ang iyong desisyon ay kontrolado mo, ang unang gawi ay nagsasabi na dapat maging responsable sa sa iyong mga desisyon at ang mga kasunod na mga kahihinatnan ng desisyon. Maging responsable sa iyong sarili.


Pangalawang Gawi: Magsimula sa Nais Abutin (Begin with the End in Mind)
 
Ang isa sa pinakabisang pamamaraan upang maisakatuparan ang ikalawang gawi ay ang pagkakaron ng Personal Mission Statement , o pahayag ng personal na adhikain. Ang Personal Mission Statement (PMS) ay nagdedetalye kung ano ka, ano ang mga adhikain mo at ano ang mga nais mo. Ito ay nagsasalaysay sa pagiging lider mo sa iyong sariling buhay. Ito ang magdadala sa iyong sariling tadhana upang makuha ang bukas na iyong ninanais.

Pangatlong Gawi: Unahin ang dapat unahin (Put First Things First)
 
Simulan ang bawat araw, gawain o proyekto ayon sa iyong nais na direksyon at patutunguhan. Planuhin, unahin at gawin ang iyong pang-araw araw na mga tungkulin base sa importansya at hindi dahil ito ay kailangan agad na gagawin. Iwasan ang mga gawain na hindi makakatulong sa iyong mga  plano.

Dito mahalaga na matanto na hindi kinakailangan na gawin mo ang lahat lahat na mga bagay na dumarating at darating sa iyo. Huwag masyadong palawakin ang sarili, lalo na sa mga bagay na hindi naangkop sa iyong PMS. Kung kinakailangan, tanggihan ang ibang mga pagkakataon o sitwasyon na hindi angkop sa kung ano ka o kung ano ang gusto mo sa iyong sarili. Ang First thing ay yaong mga nakikitang mo na lubhang importante sa iyo. Kung iniuna mo ang mga dapat unahin, na-oorganisa mo ang iyong oras at mga kaganapan ayon sa prayoridad na nabangit sa iyong PMS.

Pang-apat na Gawi: Laging isipin kung papaano makikinabang ang lahat ( Think Win-Win)

Ang Think Win-Win ay hindi pagiging mabait kung hindi  ang pag-iisip at pag aksyon upang ang lahat ng sangkot na partido ay may makukuhang benepisyo. Sa iyong relasyon sa mga tao, ito ay ang pag-iisip upang ang bawat sangkot ay may makukuha na pakikinabang at satispakyon sa pakikisalamuha sa iyo. Ayon kay Covey, ang mga tao na may ugaling Win-Win ay may 1) integridad na manatili sa iyong totoong nararandaman, pag-uugali at mga pangako, 2) kakayahan na ipahayag ang sariling ideya at damdamin ng may tapat subalit may pagsasaalang-alang sa ideya at damdamin ng iba, at 3) may paniniwala na may benepisyo dapat sa bawat isa.

Panglima na Gawi: Umunawa bago mag-pa-unawa ( Seek First to Understand, then be understood)
 
Karamihan sa atin ay naghahangad na maunawan ng iba. Subalit, sa paghahangad natin na maunawaan tayo, kadalasang nakakaligtaan natin ang kabilang partido. Pangalawa, kung tayo naman ang kabilang partido, kadalasan ang intensyon natin sa pakikinig ay upang sumagot, at hindi upang umunawa.
Pag-aralan kung paaano maunawan ang ibang tao. Kung nakikinig sa iba, maging bukas ang isip at subukang unawain muna ang iba bago isipin kung ano ang isasagot. Sa ganitong pamamaraan, nagiging  magalang, mapangala at positibo ang mga desisyon.

Pang-anim na Gawi: Synergize
Ang pag-anim na gawi ang naglalayon ng pagkakaroon ng ugali ng pagtutulungan. Ang bukas-kaisipan na pakikitungohan at pagtutulungan sa mga sitwasyon sa buhay ay makakapagbigay ng mas mahusay na resulta. Kung ang tao ay nagtutulungan at bukas sa ideya ng bawat isa, makakakuha ng bagong mga pananaw o solusyon. Samakatuwid, kung ninanais mong maging epektibong tao, dapat na magkaroon ka ng grupo na siyang tutulong sa iyo na maabot ang iyong mithiin
 
Pang-pito na Gawi: Patalasin ang Sarili (Sharpen the Saw)
Kahit gaano kahusay at kadeterminado ang karpentiro, kapag hindi matalim ang lagare, mapapatagal nito ang ang mga gawain. Ang ikapitong gawi ay upang palakasin ang iyong sarii. Kapag balanse ang iyong sarili sa apat na aspeto ng buhay (pisikal, sosyal/emosyonal, mental at spiritwal) nagiging madali ang paggawa ng mga nais gawin. Sa pisikal na aspeto, ito ang tamang pagkain, pag-ehersisyo  at pamamahinga. Sa sosyal at emotional na aspeto, ito ang pagkakaroon ng makabuluhang koneksyon sa iba. Sa mental na aspeto, ito ang pagkakaroon ng panahon upang matuto ng mga bagong kaalaman, magbasa, magsulat, magturo at iba pa. Sa ispiritwal na anyo naman ang pagkakaron ng panahon sa pagmumuni-muni, meditasyon, musika, art, panalangin at iba pa.
 
Ang pagkakaroon ng balanseng pamumuhay ay nagdudulot ng pang-matagalan at epektibong pamumuhay. Dapat laging isa-alang-alang ang pagpapalakas (o pagpapatalim) ng sarili upang laging maging handa at madagdagan pa ang kapasidad  na mahawakan at makontrol ang mga hamon ng buhay.

Pang-walo na Gawi: Hanapin ang Sariling Boses at Pukawin ang iba na mahanap ang kanila (Find Your Voice and inspire others to find theirs)

Ang pagiging epektibo ay ang paghahanap ng sariling boses at puwesto sa lipunan. Subalit, ang epektibong tao ay hindi lamang humihinto sa pagiging epektibo sa sariling buhay. Bagkus, kinakailangan niya na matulungan ang iba upang maging epektibo din ng sa gayun ang buong lipunan ay epektibo. Ang pagkakaroon ng kontribusyon sa lipunan ay maghahatid sa tao mula sa pagiging epektibo sa pagiging kadakilaan.

Photo courtesy of flickr/dereskey

1-6 of 6