Tips‎ > ‎

Paano Mapalago Ang Pag-ibig Para Sa Isa’t-Isa

posted Jan 27, 2012, 9:39 PM by Daloy Kayumanggi   [ updated Sep 10, 2014, 1:43 AM ]
Naranasan nyo na ba na gumising sa umaga at parang hindi mo kilala ang nasa iyong tabi na kasama mo sa pagtulog? Pagkatapos ng maraming taon na pagsasama, maaring nadama mo na parang estranghero na ang iyong asawa o minamahal sa buhay. Narito ang mga ideya kung paano mapalago uli ang init ng damdamin para sa isa’t-isa.

Magsabay Kayong Magluluto

Maaring sa breakfast o kaya sa dinner na magtulongan kayo sa pagluluto tuwing weekends. Sa ganitong paraan, mapatibay ang team work ng mag-asawa. Dagdag pa nito, maka-save kayo ng pera kung sa bahay kayo nagluluto at kumakain. Ang mahalaga nito, kahit anong lulutuin, ay nagsama-sama ang mag-asawa sa isang mainam na gawain sa bahay.

Magsimula ng Isang Proyekto

Mag-usap kayo na simulan ang isang malaking proyekto o gawain sa bahay. Maaring ito ay ang pag-general cleaning sa buong paligid. O kaya ang pagtatanim ng mga bagong halaman sa garden. O kaya ang pag-aayos sa mga sira sa loob at labas ng bahay. Lalong lumalago ang pag-ibig sa isa’t-isa kung sama-sama ang mag-asawa sa isang proyekto.

Magkaroon ng Isang Araw Para Balikan ang Kahapon

Masarap balikan ang kahapon, ang unang pagkikita, ang unang yakap at halik. Ano kaya kung sabay kayo sa asawa na manuod ng old movies o kaya makinig sa mga lumang tugtugin o kaya halungkatin ang mga lumang larawan. Nakakabighani sa puso kung ang mag-asawa ay sabay na nag-asam-asam sa kahapon sa pamamagitan ng mga memento o memorabilia.

Sumali sa Isang Paligsahan o Sports

Mapalakas ang pag-ibigan ng mag-asawa sa pamamagitan ng sports. Maaring sabay kayong matuto ng bagong sports o kaya manuod ng isang race o competition.

Isang Araw Na Magkayakap

Ihanda ang isang araw na kayo lang dalawa sa bahay o kaya sa isang pribadong lugar na wala kayong ibang gawin kundi mag-usap lang, magkayakap, at nakahiga lang sa kama buong araw. Malaking tulong ito para mabuhay uli ang init ng damdamin.

Maging Concern sa Bawat Isa

Huwag kalimutan ang pagtatanong ng “How’s your day, Honey?” Panatilihing masarap ang komunikasyon o pakikitungo sa iyong minamahal. Magpadala ng text message, email, o kaya tumawag sa phone sa iyong asawa o minamahal araw-araw at ito’y magdudulot ng matagumpay na pagsama-sama.

(Larawan mula sa www.hdwallpoaoersdesktop.com)

Comments