Tips‎ > ‎

Tamang Pag-gamit Ng Facebook Sa May Asawa Na

posted Jan 4, 2012, 3:33 AM by Daloy Kayumanggi   [ updated Jan 4, 2012, 3:35 AM ]

Alam mo ba na marami ng mga mag-asawa ang naghihiwalay o nag-divorce dahil sa maling paggamit sa Facebook? Kaya kung ang isang tao ay hindi maingat sa paggamit ng Facebook, maaring ito ang maging sanhi ng pagkawasak ng pamilya.

Totoo naman na malaki ang maitutulong sa Facebook sa pag-connect sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita at sa mga kamag-anak na matagal ng hindi nakasama. Pero totoo din ng dahil sa Facebook, ito ang maging dahilan na mabuhay ulit ang patay na sanang relasyon sa isang ex-boyfriend or girlfriend. At dito nagsimula ang problema. Kaya marami sa mga pamilya ang apektado sa Facebook.

Kung ikaw ay may asawa na, narito ang ilang paalala tungkol sa tamang paggamit sa Facebook at maiwasang magka-problema ang iyong relasyon sa asawa.

1.     Yong Facebook profile mo, gamitin ang lawaran na dalawa kayo sa iyong asawa. Ito ay magsilbing mensahe sa buong mundo na binigyan mo ng kahalagahan ang iyong marriage. Huwag na mag-pretend na ikaw ay single pa. Ilantad kaagad sa picture pa lang ang iyong status.

2.     Ideklarar kaagad na married ka sa iyong status. Mayroon kasing ibang tao na kahit married sila, tinatago nila ang kanilang status kaya napagkamalan na wala pang partner.

3.     Para maiwasan ang gulo, huwag na tanggapin ang friend request galing sa isang opposite sex na hindi mo kilala. Ito ang maging simulan na maging interesado ka sa isang stranger na maaring humantong sa malaking problema sa pamilya.

4.     Mahirap man itong gawin pero mas mabuti kung huwag nalang tanggapin ang friend request ng iyong ex-boyfriend o ex-girlfriend. Ang nakaraan ay nakaraan na. Tandaan na may private message at chat room ang Facebook. Maging tulay ito sa dalasang pagkuminakasyon sa dating magkasintahan. Kung matuklasan ito sa iyong asawa, baka ito pa ang dahilan ng malaking away dahil sa pagseselos.

5.     Maging open ka sa iyong asawa tungkol sa lahat na parte ng iyong Facebook account. Kung anuman ang pinag-share mo sa ibang tao katulad ng photos, videos, o links, gawin ding itong accessible sa iyong husband o wife.

6.     Para transparent ang lahat, ibigay mo ang iyong username at password sa iyong asawa, kung baga bawat isa sa inyo ay may alam sa username at password sa isa’t-isa. Mas mabuti pa na joint account ang gamitin nyo. Kasi kung wala ka namang tinatago sa iyong asawa, wala ka namang ikabahala kung alam niya lahat kung ano ang nasa iyong Facebook account, di ba?

 Ating tandaan na ang malaking sunog ay nagsimula sa maliit na apoy lamang. Kung hindi tayo maging maingat sa paggamit sa Facebook, ito ay maging sanhi sa malaking conflict na maaring humantong sa hiwalayan – at marami na ang naka-experience nito. Pero kung susundin ang mga gabay na nabanggit, ang paggamit ng Facebook ay maaring magbigay ng dagdag na kagalakan sa iyong buhay at pamilya.


Image courtesy of stoneysteiner at flickr.com
Comments