5 Halimbawa ng mga Kabiguan sa Buhay
Ang Limang Halimbawa Ng Mga Kabiguan Sa Buhay
by: Erwin Brunio
Pagkabigo. Sa mga nangangahas na maging matagumpay sa buhay, ang pagkabigo ay bahagi na ng buhay. Bagkus sa halos lahat ng tao na naging matagumpay sa buhay, ang kabiguan ang naging susi upang pagbutihin ang sarili. Kung kaya mabuting pag-aralan kung ano ang mga klase klase ng pagkabigo upang maagapan ng mas maaga. Meron naman na ibang tao na pabaliktad ang pag-aaral, iwasan lamang ang mga klase ng kabiguan upang magtagumpay sa buhay. Narito ang 5 halimbawa ng mga kabiguan sa buhay ng tao.
1. Failure to plan
May kasabihan na “failing to plan is planning to fail”. Ang ibig sabihin nito ay kung ikaw ay walang plano sa buhay, tiyak na nakaplano na ang pagkabigo sa iyong buhay. Ayon kay Tony Robbins, isang bantog na personal success coach, ang buhay ay maituturing na parang byahe ng eroplano. Para makaabot sa destinasyon o gusto sa buhay, kailangan na magkaroon ng preparasyon at pagplano. Kung walang plano, maaring ibang destinasyon ang iyong mararatnan o kaya ay matatagalan sa pagdating sa iyong gusto na destinasyon.
Ang isang klase ng “failure to plan” ay ang ang pagkabigo na muling magplano sakaling naabot na ang naunang plano. O kaya naman ay nabigo na maitaas ang level ng ambisyon o pangarap kung kaya hindi na ito challenging. Upang maiwasan ito, kung malapit mo ng maabot ang iyong pangarap, gumawa ulit ng bagong target. Sa ganitong paraan mapapanatili mo ang motibasyon na magsumikap sa sarili. Sa aking karanasan, itong pagkabigo na muling magplano at i-angat ang target kung malapit ng maabot ang naunang target ay kadalasang naging dahilan kung ng pagkawala ng motibasyon sa sarili.
2. Failure to Prioritize
Ngayon na modern life na, marami ka na nais gawin at kayang gawin. Mula sa pagpunta sa gym, pag-meet sa mga kaibigan, pagtrabaho, pag-aaral, hobby at iba pa. Sa modernong buhay, lahat ay kaya mong gawin lalo na at kung ikaw ay maparaan. Bagkus ang limitasyon mo lamang ay ang oras. Kung kaya mahalaga na mapili mo ang mga gawain na makakapagbigay sa iyo ng resulta.
Ang Pareto principle ay isang magandang teknolohiya upang maiwasan ang kabiguan sa pag-prioritize. Ito ay mas kilala din sa 80-20 rule. Ayon sa Pareto principle, ang 80% ng resulta ay mula sa 20% na aksyon o paraan. Halimbawa sa negosyo, ang 80% na kita ay mula sa 20% na customer. Alamin ang 20% na mga aksyon o paraan na nagdudulot ng 80% na resulta at ito ang unahin.
Itong 80-20 rule ay isang magandang giya hindi lamang sa personal success kung hindi maging sa professional na trabaho. Kung ikaw ay trabahante, pagsikapan na maging kabilang sa 20% na mga trabahante na sanhi ng 80% na resulta. Kung ikaw ay may sariling negosyo o nagbebenta sa facebook, alamin kung sino ang iyong mga customer na nagdadala ng 80% ng iyong profit.
Papaano i-compute ang Pareto. Halimbawa sa customer, ilista ang customer mula sa nagbibigay sa iyo ng pinakamalaking tubo hanggang sa pinakamababa. Kung si Adan ay 35% ang kontribusyon sa total na tubo, si Bernie ay 30%, si Charlie ay 20%, Dinah ay 10% at Edna ay 5. Sa pinasimple na halimbawa na ito, ang 80% na tubo ay galing mula kay Adan, Bernie at Charlie. Silang tatlo ang dapat mong bigyan ng mas maraming panahon at atensyon dahil sila ang nagbibigay sa iyo ng mahigit 80% ng iyong tubo.
3. Failure to Follow-up
Ang kadalasan na dahilan ng pagkabigo o pagkapalpak ang hindi pag-follow-up sa mga nagawa ng aksyon. Kadalasan ay nandiyan na ang magandang plano subalit hindi naitutuloy. Minsan naman ay malapit na sanang maabot pero hindi nakapaghintay at nagretiro na agad sa plano. Sa mga salesperson, lalo na yung nagtratrabaho sa call center, ang kadalasang basehan kung “no” na nga talaga ay pitong beses. Hanggang hindi ka pa inaayawan ng pitong beses ng iyong target na kliyente, maari pa rin itong maging costumer kung kaya follow-up lang ng follow-up.
4. Failure to re-evaluate
Isa pang dahilang ng kabiguan ang hindi pag-aaral kung ang napiling aksyon o plano ay epektibo o hindi. Nais mong maging mabuting singer kung kaya araw araw kang puma-practice ng kanta sa karaoke. Pero di mo pa rin maitama ang nota ng kanta, kaya imbes na isang oras ka sa karaoke, ginawa mong dalawang oras. Subalit, kung aanalisahin mo ito, parehong askyon lang kung kaya wala pa ring resulta. Baka pala ang kulang sa iyo ay isang singing coach para sa vocalization. Baka pala ang kulang sa iyo ay technique sa paghinga. Ibahin ang stratehiya at pag-aralan kung may pagbabago dahil sa bagong aksyon. Ayon pa nga sa kasabihang ingles, “insanity is doing the same thing over and over again and expecting different result.” Kabaliwan ang tawag sa paulit-ulit na paggawa ng isang bagay o paraan subalit nag-aasam na iba ang resulta.
Ang iba naman ay ayaw magplano dahil naniniwala na di naman ito nasusunod. Tandaan na natural lang na magbago ang plano dahil laging nagbabago ang sitwasyon. Gaya ng nabangggit na, ang buhay mo ay parang byaheng eroplano. Ang lipad ng eroplano ay hindi tuwid, subalit nakakarating pa rin sa paroroonan. Kung natatakot ka na magplano dahil lilihis lang ito, hindi makapag-take off ang iyong eroplano ng buhay.
Ang pagbabago ng plano ay resulta ng pag-analisa o ebalwasyon sa ating destinasyon. Kung kaya natural na mabago ang plano. Subalit ang pinakamahalagang basehan bago magbago ng plano ay dapat may plano muna. Mahalaga ito upang malaman mo ang resulta ng bawat aksyon na iyong ginawa. Marami kasi na di lang agad nakita ang resulta ay biglang nagbago (tingnan ang ika-3 na klase ng kabiguan). Ang pinagkaiba sa pangatlong klase ng kabiguan ay ang salitang “evaluate”, dapat mo munang analisahin ang iyong mga steps upang malaman kung panahon na para magbago ng stratehiya o aksyon.
5. Failure to decide
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkabigo o pagbagsak ang hindi pagdesisyon (decision paralysis). Minsan hindi ka nag dedesisyon dahil gusto mo pa ng karagdagang impormasyon hanggang nahuli na ang lahat. Minsan naman ay takot ka na magdesisyon dahil di mo alam ang magiging resulta.
Dito dapat tandaan ang katagang “opportunity cost” - ano ang mawawala sa iyo kapag hindi ka nag desisyon? Ano naman ang mawawala sa iyo kapag ikaw ay nagdesisyon?
Sa aking punto, mas mabuti na nagkamali ka sa iyong desisyon subalit may nakuhang leksyon keysa sa wala kang ginawa. Naalala mo ba ang panahon na wala kang ginawa sa iyong crush kung kaya hanggang ngayon lagi pa ring nagtatalo sa iyong isipan kung ano ang nangyari kung ikaw ay nagtapat. Kung nagdesisyon ka na magtapat, at least malalaman mo kung basted ka o hindi.
O ayan, sana ay naintindihan mo na kung bakit ang isang tao ay nabibigo. Nuong nag-aaral ako sa graduate school, itong 5 klase ng failures ay pini-print ko sa isang papel at inilagay sa aking memo board. Kada pasok ko sa laboratoryo sa aking eskwelahan, lagi akong ni-re-remind na iwasan itong limang klase ng kabiguan upang maabot ang inaasam. Di naman ako nabigo. Paano maging successful? Iwasan lang itong 5 klase ng kabiguan.
Are you ready to look your very best?
Free Report:
10 Secret Tips For Beautiful Skin