Japanese to English: Ang pagsalin ng language settings ng iyong cellphone sa wikang English
Japanese to English: Ang pagsalin ng language settings ng iyong cellphone sa wikang English
by: Erwin Brunio
“Di ko mabasa”, sabi ng isa kong customer, “naka Japanese naman ito.” “Madali lang po iyan”, ang sagot ko at sabay turo kung paano masalin ang settings ng cellphone mula sa Japanese papuntang English. Pagkaraan ng ilang linggo, ganun din ang naging tanong. “Madali lang po iyan” tsaka explain uli.
Madali lang naman talaga. Subalit sa aking karanasan sa mga customer, kadalasan ay natatakot ang mga ito na galawin o pindutin ang cellphone at baka masira. Kung tutuusin, ang problema sa pagsalin sa wikang English ng settings ng telepono, ay hindi kung papaano, at bagkus ay ito ay dahil sa takot. Huwag mag-alala, di ito kagaya ng mga computer na kapag may mali kang napindot ay may posibilidad na masira o hindi gumana. Ang cellphone ay hindi madaling masira ang software o program nito kaya di dapat matakot.
Kung kaya, narito ang step by step na pamamaraan upang masalin ang lenggwahe mula sa Japanese pa-English. Kung ang iyong cellphone ay mula sa apple, sundin ang A, kung android naman ito, sundin ang B.
A. Apple products (ipad, iphone)
1. Hanapin ang icon ng “setting” gaya ng nasa larawan at pindutin ito.
2. Pindutin ulit ang halos parehong icon (一般設定) para sa “general setting”
3. I-scroll ang selection pataas hanggang makita ang kanji na 言語環境.
4. Piliin ang 言語環境 (language setting) at pindutin ito upang lumabas ang mga mapipilian
5. Piliin ang言語 (language).
6. Piliin ang “English” upang masalin ang settings sa English na lenggwahe. Pindutin ang home button ng cellphone. English na ang iyong cellphone.
B. Android products (samsung galaxy, xperia, F-03D girls, etc)
Sa mga produkto naman na may Android na OS gaya ng Samsung Galaxy, Sony Xperia, F-03D girls at iba pa, ito naman ang paraan.
1. Hanapin at pindutin ang icon (drawing) na may apat na linya (parang logo ng adidas na sapatos). Kadalasan makikita ito sa ibabang bahagi ng screen ng cellphone.
2. Pagkapindot nito, lalabas ang icon na may kanji na 設定 (Settings) sa ibaba ng icon, pindutin ito.
3. Piliin ang 言語とキーボード (Language and Keyboard). Ito yung may letter “A” na icon.
4. Piliin ang 言語を選択 (Select a Language) at pindutin ito.
5. Piliin ang “English” at pagkatapos pindutin ang home button (yung bahay yung icon o drawing). Magiging English na ang setting nito.
O ayan, sana ay nag-enjoy ka sa iyong bagong kaalaman. Pa-share na rin ito sa kaibigan o kasamahan, dahil masarap ang pakiramdam kung ikaw ay nakakatulong sa iyong kapwa. Be the Force for the Good!
~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~
May katanungan ka ba na nais naming mabigyan ng kasagutan sa Daloy Kayumanggi? Sumulat lamang sa aming email address na erwin@daloykayumanggi.com o kaya mag-message sa aming facebook page sa www.facebook.com/daloykayumanggi. Makikita din kami sa Google+, Linkedin o Twitter (daloyJapan). Makabuluhang pagbabasa!