Judicial Recognition of Foreign Divorce, Ano ba ito?
Judicial Recogniton of Foreign Divorce, Ano ba ito?
by: Atty. Marlon P. Valderama
Ang Judicial recognition of foreign divorce ay isang proseso sa korte ng Pilipinas kung saan pinapatunayan na ang Foreigner ay kumuha ng divorce sa bansa niya at ito ay valid ayon sa National Law ng Foreigner at ito ay nagbibigay ng karapatan sa Foreigner at sa naiwang asawa na Filipino na mag-asawa muli.
Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung paano ba magagamit muli ng isang Filipino ang kanyang apelyido sa pagkadalaga pagkatapos niya na ma-divorce ng asawang foreigner. Sapat na ba ang pagrereport ng divorce sa National Statistics Office (NSO) upang makapag-asawang muli ang asawang Filipino?
Ano ba ang proseso ng judicial recognition of foreign divorce? Ano ang pinapatunayan dito?
Nasa Article 26 ng Family Code na kung ang kasal ay naganap sa pagitan ng foreigner at Filipino at ang foreigner ay kumuha ng divorce sa bansa niya na nagbibigay ng karapatan na mag-asawa muli, ang Filipino ay may karapatan na mag-asawang muli ngunit kailangan muna niya na magfile ng judicial recognition of foreign divorce sa korte sa Pilipinas. Ang judicial recognition of foreign divorce ay required under NSO Circular No. 4, series of 1982, and Department of Justice Opinion No. 181, Series of 1982 at kung wala nito ay considered na valid pa rin ang marriage ng Filipino spouse at hindi siya pwede magpakasal.
Ang pagrerehistro ng copy ng divorce decree sa Philippine Local Civil Registrar ay hindi sapat para mawalan ng bisa ang nasabing kasal dahil kailangan patunayan sa korte, sa prosesong judicial recognition of foreign divorce, na valid ang divorce na kinuha ng foreigner in accordance with his national law.
Ang judicial recognition of foreign divorce ay isang proseso sa korte kung saan patutunayan ng asawang Filipino na siya ay kasal sa isang foreigner, na ang foreigner ay kumuha ng divorce sa kanyang bansa at ang nasabing divorce ay valid under the national law ng nasabing foreigner. Kung kaya isa sa mga evidence na pinepresenta sa korte ay ang English Translation at authenticated divorce law ng bansa ng foreigner o ang testimoniya mula sa Embassy ng bansa ng foreigner upang magbigay ng evidence sa mga nasabing divorce dahil ang batas sa ibang bansa (foreign law) at ang mga decision ng korte sa ibang bansa (foreign judgment) ay kailangan patunayan bilang facts dahil ang korte sa Pilipinas ay hindi nirerecognize ang ibang batas at desisyon ng korte ng ibang bansa. Kung hindi napatunayan o napresenta sa korte ang English Translation at authenticated divorce law ng bansa ng foreigner o ang testimoniya mula sa Embassy ng bansa ng foreigner upang magbigay ng evidence sa mga nasabing divorce, ang doctrine of processual presumption ay mag-apply kung saan ang korte ng Pilipinas ay magpresume na ang batas sa bansa ng foreigner ay katulad ng batas sa Pilipinas. Kung kaya ang hindi pagpresenta ng nasabing divorce law o expert witness sa proseso ng judicial recognition of foreign divorce ang nagdudulot ng pagkadismiss nito.
Sa kasong nadesisyonan ng Korte Suprema sa Corpuz vs. Sto. Tomas, [G.R. No. 186571, August 11, 2010], sinabi dito na ang karapatan na magsampa ng judicial recognition of foreign divorce ay nasa Filipino spouse at walang right ang foreigner spouse na magsampa nito.
Ang kasal sa Foreigner ay mananatiling may bisa hanggang walang desisyon ang korte sa Pilipinas sa judicial recognition of Foreign divorce dahil ang pagrerehistro sa Philippine Local Civil Registrar ng divorce na kinuha ng Foreigner spouse sa kanyang bansa ay hindi sapat upang mawala ang bisa ng kasal niya sa Filipino spouse.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook page sa www.facebook.com/E.Lawyers.Online