Panloloko sa Facebook
Panloloko sa Facebook
by: Erwin Brunio
Aron dili ka limbongan,
Pangutana sa precio
Sa tolo ka tindahan
- Boholano Sayings
(In order that you would not be cheated, ask the price at three shops)
Ang Facebook ay isa sa mga nauusong medium sa ngayon upang magbenta at bumili ng maraming mga produkto at serbisyo. At dahil tayong mga pinoy ay mahilig sa social networking sites, lagi tayong na-expose sa mga online marketing at selling. Ang mas nakakatuwa pa dito, marami sa ating mga kababayan dito sa Japan, at maging sa buong parte ng mundo, ang nagiging entreprenuer dahil sa facebook. Kung titingnan mo ang facebook, aktibo na aktibo ang ating mga kababayan sa Japan sa pamimili at pagbebenta.
Gaya ng anumang marketplace o lugar pamilihan, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga manloloko. Ika nga nila, meron talagang mga bad apples kahit saan. Hinggil sa pamimili at pagbebenta, dalawang termino ang palagi mong ma-e-encounter. Ito ay ang bogus buyer at joy reserver.
Ang mga bogus buyer ay kadalasang nag-o-offer ng murang presyo sa produkto na ibinebenta. Isa sa mga modus ng bogus buyer ay ang paghihingi ng advance payment o deposit at pagkatapos makuha ang paunang bayad ay hindi mo na ito macocontact dahil naka-block ka na sa kanyang facebook o phone number. Ang isa ring modus ay ang pagpapadala ng hindi tamang produkto, peke o kaya may kulang.
Ang joy reserver naman ay mag-re-reserve ng iyong paninda subalit hindi naman nito kukunin ang produkto. Marami na akong na-encounter na ganito kung saan oorder ng cellphone o NTT card subalit hindi kukunin ang produkto, kahit na pabalik-balik ang post office sa pagdeliver ng kanyang produkto. O kaya sasabihan ang nagdeliver na ito ay iranai o hindi inorder. Meron din na magsasabi na wala si ganito, kahit siya pa ang kausap ng post office. Isa sa mga modus lalo na sa card ay ang pag-order ng card at mag-a-advance ng isa o dalawang card dahil daw emergency. Kung tutuusin, kung ito ay emergency, pwede namang bumili ng card sa mga convenience store para magamit agad. Usually kasi ay one-day ang delivery ng card kung kaya hindi talaga ito pang-emergency.
Paano nga ba maiiwasan ang mga ganitong panloko. Narito ang mga ibat-ibang tips.
A) Buyer
1. Kung sa tingin mo ay hindi kapani-paniwala ang mga binebenta sa iyo, huwag maniwala. Ika nga “if its too good to be true, then its not true”.
2. Tanungin ang nagbebenta ng
a) kumpletong pangalan, contact number at address ng nagbebenta
b) return policy sakaling may depekto ang mga produkto
Hanggang maari, huwag lang yung cellphone number at facebook profile, dahil pwede kang i-block duon at hindi mo na ma-contact ang pinagbilhan mo.
3. Magtanong sa mga kaibigan o kakilala hinggil sa seller kung ito ba ay makapagtitiwalaan o hindi. Mainam ng sigurado upang hindi mapeke o mabogus. Sabi nga sa Boholono saying, magtanong ng presyo sa tatlong tindahan upang hindi maloko.
4. Itago ang resibo, sisidlan ng produkto at iba pa. Ang resibo sa pagfurikomi (bank transfer) ay batayan na ikaw ay nagpadala ng pera. Kung kinakailangang magsumbong sa pulis, kailangan mo ang resibo at iba pang ebidensya.
5. I-check kaagad ang mga produkto na nabili pagkatangap. Tandaan na kadalasan sa mga nagtitinda ay may laang araw kung hanggang kelan laman maaring ibalik ang produkto. Pagkalipas nito, hindi na maaring ibalik o palitan ang mga nabili.
B) Seller
1. Hanggat maari, kunin ang buong bayad sa pamamagitan ng pagpapadala sa bangko (furikomi) upang hindi sumibat ang bumili. Kung interesado ang buyer, tiyak naman na ito ay magbabayad sa post office (sa side ng buyer, safe naman kung mag furikomi kasi may ebidensya o resibo ito na nagpadala ng pera kaya mahahabol niya ang seller).
2. Kung cash on delivery naman, mahirap talaga ma-control pero iwasan lang ang magbigay ng paunang produkto gaya ng pagbigay ng pin number sa card bago magbayad ng buyer. Sana magkaintidihan lang ang buyer at seller upang maiwasan ang problema.
Sakaling naloko naman kayo, pakiusap na huwag itong pabayaan. Marami ang nagsasabi na “bahala na ang Diyos sa kanya”, “makakarma ka rin”, “pera lang iyan” at iba pa. Hindi ganyan ang tamang paraan, kasi kapag hinayaan natin ang manloloko, marami pa itong manloloko. Kasi akala nila kung nakalusot sila sa iyo, ay tiyak na makakalusot din sila sa iba. Kaya huwag hayaang makapagbiktima pa ito, at baka ang biktima ay kaibigan mo o kapamilya mo rin. Dalhin ang iyong mga resibo at ibang ebidensya at ito ay ipakita sa pulis. Matulungin ang mga pulis sa Japan lalo pag kumpleto ang iyong ebidensya.
Pangalawa, kung naloko kayo, huwag naman ninyong lahatin. Marami sa ating mga kababayan ang totohanang nagbebenta sa facebook, at hindi gaya ng mga manloloko, ito ay para sa pang-araw araw na kanilang gastusin o kaya additional income para ipadala sa pamilya sa Pilipinas. May isa akong nakita sa facebook na naloko ng isang balikbayan box, lahat na lang na naglalagay ng ads duon sa facebook group ay mini-message na manloloko. Huwag ganun. Hindi lahat ay mandurugas, at kung nadugas ka na, habulin mo yung nandugas, huwag ng mandamay ng iba.
Pangatlo, iwasan ang pag-post sa facebook ng taong nandugas sa iyo. Ingat dahil may karapatan naman ang lahat ng tao at korte lang ang makapagsasabi kung ito ay may kasalanan o wala na ayon sa batas. Bawal po ito sa karapatang pantao. Ang tamang gawin ay pumunta sa pulis at magdemanda.
O ayan, sana ay maiwasan na ang mga panloloko sa facebook. Tandaan na kahit saan, may manloloko kung may magpapaloko. Kaya ingat ingat lang mga ka-Daloy. Enjoy buying and selling sa Facebook!
~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~
Sa mga online seller sa facebook, nanawagan ako na sumali sa pagbuo ng isang grupo ng mga certified o registered sellers sa facebook. Ang grupong ito ay isang boluntaryong grupo kung saan ang bawat miyembro ay may complete directory para ma-check ang identity at kilala ng at least 2 pang miyembro. Para din sa ating kapakanan ito na malinis ang ating hanay. Sumulat lamang sa aming email address na erwin@daloykayumanggi.com.
Are you ready to look your very best?
Free Report:
10 Secret Tips For Beautiful Skin